IKINASAL na ang singer na si Liezel Garcia sa kanyang Ohio-based YouTube vlogger boyfriend na si Justin Eagle.
Nitong Sabado, July 23, ibinahagi ni Justin ang kanilang kasal ng alumna ng singing competition na “Pinoy Dream Academy Season 2” sa kanyang YouTube channel.
“We [Liezel and I] are officially Married! Want to thank everyone for their continued support & encouragement over the year’s.
“We look forward to a bright & prosperous & loving future together!” saad niya sa caption.
Ibinahagi rin ni Liezel sa kanyang Instagram page ang larawan nila na kuha noong araw ng kanilang kasal.
“Finally! Forever and always,” sey ng singer kalakip ang mga hashtags na
“#TheEagles #MrandMrsEagle #Eaglebears”.
Baka Bet Mo: Jessica hindi na magpapaapi sa mga laitera; Pauline, Liezel nagkapikunan nga ba sa taping?
Umani naman ng samu’t saring congratulatory messages mula sa netizens at mga kapwa singers ang naturang post.
Ilan sa mga bumati kina Liezel at Justin ay sina KZ Tandingan, Daryl Ong, Yeng Constantino, Marlo Mortel, Richard Poon at marami pang iba.
“Omgggg congratulations!!!” pagbati ni KZ .
Sey naman ni Daryl, “Congrats [Liezel]!! Baby na agad!! Go go go!!”
“Congraaaaaaats sainyo! [heart emojis],” comment naman ni Yeng.
Si Liezel ay pasok sa Top 4 sa “Pinoy Dream Academy” Season 2 ng ABS-CBN na ipinalabas noong 2008.
Bago ang kanilang naging relasyon ni Justin ay naging boyfriend muna ng singer si Bugoy Drilon na siya namang hinirang na Top sa kanilang batch.
Samantala, hindi man nagtagal ang relasyon nina Liezelcat Bugoy ay nanatili naman silang friends.
Related Chika:
Pambatong loveteams ng ABS-CBN nagsama-sama sa Star Magic party
Liezel at Kristoffer, hiwalay na!