Panawagan ni Beverly Salviejo kay Bongbong Marcos: Bakit ngayon parang hindi kami masyadong importante?

Panawagan ni Beverly Salviejo kay Bongbong Marcos: Bakit ngayon parang hindi kami masyadong importante

Beverly Salviejo

“HINDI ko alam kung saan nanggagaling yung sa kanila, pero ang sa akin, ang disappointment ko, ay ‘yung parang napapabayaan ‘yung maraming sumuporta.”

Ito ang pahayag ng aktres at singer na si Beverly Salviejo ukol sa kanyang saloobin kay Pangulong Bongbong Marcos.

Noong Huwebes, July 20, nakapanayam ni Morly Alinio sa kanyang vlog ang aktres kung saan sinagot nito ang ilang mga katanungan ukol sa personal nitong buhay at pati na rin sa kanyang karera sa showbiz.

Ang unang bahagi ng interview ay naganap sa bahay ni Beverly kung saan nagluluto siya ng isang Ilocano dish habang tinatanong siya ni Morly.

Ngunit sa pangalawang bahagi ng vlog ay nagpokus ang kanilang usapan ukol sa naging pagsuporta ng aktres sa pangulo noong nagdaang eleksyon.

Natanong si Beverly kung ano ang kanyang masasabi sa mga taong “disappointed” raw sa naluklok na pangulo.

Aniya, “Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung sa kanila, pero ang sa akin, ang disappointment ko, ay ‘yung paran napapabayaan yung maraming sumuporta.”

Baka Bet Mo: Kim Chiu inulan ng bashers dahil sa tanong kay Bongbong: Bahala kayong magkagulo dyan!

Nakikita naman daw ng aktres ang iba’t ibang proyekto gata nf mga pabahay pero para sa kanya ay sana’y matutukan rin ang sining sa kanyang pnunungkulan.

“Ako, kasi ang gusto ko talaga, sana matutukan yung culture at tsaka ang arts. Dahil ako ay naniniwala na sa kultura natin manggagaling ang [values] formation,” lahad ni Beverly.

Dagdag pa niya, “Dapat harapin na natin kung papaano natin aayusin ang bansa natin.”

Aminado rin si Beverly na hanggang ngayon ay apektado pa ang kanilang trabaho matapos nilang suportahan si Marcos sa kandidatura nito.

“Kami po ‘yung mga na-bash. Kami po ‘yung mga na-discriminate. Kami ‘yung mga namura. Kami ‘yung inayawan, ayaw bigyan ng trabaho. Na-cancel. Pero until now ganoon pa rin naman ba ang feeling namin?” mahabang sey ng aktres.

Sa kabila raw ng mga naranasan ay walang nararamdamang pagsisisi si Beverly sa kanyang naging desisyon.

“Hindi. During that time, siya talaga yung pinakamagandang choice… when it was my time to do my choice, pumili po ako ng nasa utak ko na siyang pinakamahusay for the job. Now, if he will fall short, hindi ako yun, nasa kanya yun. Siya ang may dala no’n,” sagot niya.

Kung makakasabay naman raw ni Beverly si Marcos sa hapag kainan ay makikiisap siyang mabigyang pansin ang mga artistang sumuporta sa kanya noon.

“Dami namin, 31M kami, bakit ngayon parang hindi kami masyadong importante,” sey pa niya.

Related Chika:
Nakakaloka ang ending ng ‘Maid In Malacañang’ ni Darryl Yap; Giselle Sanchez agaw-eksena bilang Cory Aquino

Ella Cruz basag na basag din kay Pokwang: Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat ‘Nak…nakakatalino daw yun

Read more...