GOOD vibes ang hatid ng isang alagang aso na nasa Negros Occidental.
Paano ba naman kasi, humakot ng parangal ang aspin na si Janjan sa Codcod Elementary School Extension sa San Carlos City.
Ang pagbibigay ng award sa furbaby ay isinabay pa mismo sa graduation rites ng naturang pampublikong paaralan noong July 11.
Nakausap ng BANDERA ang uploader ng viral post na si Edgie Mae Lumawag at sinabi niya na nakatanggap si Janjan ng “Security Award” at “Loyalty Award.”
Kwento pa ni Edgie, bukod sa binabantayan ng alagang aso ang eskwelahan ay ito rin ang tagabantay sa mga stay-in teachers.
Nasa bundok kasi ang paaralan kaya tuwing Biyernes lang nakakauwi ang mga guro na naninirahan sa mga siyudad.
Baka Bet Mo: Kuya Kim ibinandera ang 35 dogs, karamihan mga rescued na aspin: The joy they give makes everything worth it!
Chika pa ng uploader, nagagawa pa ni Janjan na ihatid ang mga guro tuwing uuwi na ang mga ito sa kanilang mga tahanan.
Ang pagbaba ng bundok ay aabutin ng tatlong oras sa paglalakad, at kapag nakita na ng furbaby na nakasakay na sa sasakyan ang mga guro ay maglalakad na ulit ito pabalik ng eskwelahan.
“Binigyan siya ng SECURITY OF THE YEAR award dahil siya ang tagapag-alaga ng mga guro na umaakyat sa bundok at naghahatid ng mga guro,” sey ni Edgie.
Dagdag pa niya, “Siya rin ang tagapag-alaga ng mga guro tuwing Lunes hanggang Huwebes sa paaralan dahil natutulog lang ang mga guro sa paaralan dahil taga-lungsod ang mga guro at nasa bundok ang paaralan.”
“Araw at gabi ay hindi niya iiwan ang mga guro sa paaralan,” aniya pa.
Ang original post ni Edgie na ibinandera sa Facebook ay umaani na ng libo-libong likes at comments.
Related Chika:
Vina Morales proud na proud sa ‘first honor’ na anak: She is growing up to be a responsible person!