TRULILI kaya na hindi feel ng female TV host ang naging guest niyang TV host/actress kamakailan?
Sitsit ng aming source na bagama’t winelcome ng female TV host ang guest niya ay may nakapansing tao sa studio na hindi siya sincere at wala lang magawa dahil galing sa management na guest nga niya ang TV host/actress sa programa.
Naging maayos naman daw ang tsikahan since parehong hosts ang dalawa kaya talagang madadaldal sila at walang dull moment.
Maganda ang chemistry ng dalawa kaya parang may nagbiro na puwedeng guest-co host si TV host/actress sa programa ni female TV host.
Tila natigalgal daw ang TV host at dito na nalaman ng aming source na hindi bet si TV host/actress.
Habang sinusulat namin ito ay nagtatanong sa bossing ng TV network si female TV host kung seryoso ba sa sinabing gawing guest co-host si TV host/actress sa show niya.
Natawa kami nang malaman namin ito dahil it only shows na threaten ang si female TV host kung papasok ang TV host/actress sa show nila.
E, sana tanungin muna kung tatanggapin ito ng TV host/actress dahil sa pagkakaalam namin ay loaded na ito. At kung saka-sakaling kagatin ang offer, magkaka-alamanan na kung sino ang magaling sa kanilang dalawa.
Susme, dekada na ang inabot ni female TV host sa propesyon niya, nakakaramdam pa ba sila ng insecurities?
Baka Bet Mo: Kilalang singer walang utang na loob, pati TV host-producer na tumulong sa kanya noon tinaga sa talent fee
* * *
Kahit saang bahagi ka man ng mundo, mas madali nang mapapanood ang paboritong iWantTFC original series dahil available na ang mga ito nang libre sa YouTube simula ngayong Hulyo 20.
Muling aapaw ang kilig at good vibes kapag tumutok sa “iWantTFC Originals Playback” sa iWantTFC YouTube channel kung saan may live premiere ng isang featured series kada Huwebes ng 6 PM (Manila time). Pwede rin ulit-ulitin ang panonood dahil magiging available rin ang mga serye ng on-demand.
Unang mapapanood ang romantic-comedy series na “Bola Bola” tampok sina Francine Diaz, KD Estrada, Ashton Salvador, at Akira Morishita. Tungkol ito sa isang matabang dalagang si Thea (Francine) at sa tatlong lalaking mahuhumaling kay Thea at pag-aagawan siya.
Tuloy-tuloy din ang good vibes sa “Lyric and Beat,” ang kauna-unahang musical drama series ng iWantTFC. Patutunayan dito nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri, Darren Espanto, AC Bonifacio, at iba pa ang kanilang galing at talento sa pagkanta at pagsayaw tampok ang mga nakakaindak na performances.
Sa mga susunod na buwan, masusubaybayan ang iba pang iWantTFC originals tulad ng mga seryeng patok na patok sa internet na “Glorious” at “MOMOL Nights,” pinagbibidahan ng star-studded cast sa “My Single Lady” (Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo), “The Goodbye Girl” (Angelica Panganiban, Elisse Joson, Barbie Imperial, Loisa Andalio, at Maris Racal), at “Call Me Tita” (Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Joanna Ampil, Mylene Dizon, at Lorna Tolentino).
Nariyan din ang mga LGBT-themed titles na siguradong kakikiligan tulad ng “Oh, Mando” at “Love Beneath The Stars,” pati na rin ang masterclass series na “Trip to Quiapo” na hango sa best-selling scriptwriting manual ng award-winning writer na si Ricky Lee.
Mag-subscribe na sa iWantTFC YouTube channel at panoorin ang iba’t ibang movies at series na available rin sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
Related Chika:
Showbiz couple na bagong kasal hiwalay na agad, female star na nakatrabaho ng aktor sinisi