Amy Perez ‘feeling young’ bilang host ng ‘It’s Showtime’, super happy sa partnership ng ABS-CBN, GMA
MASAYA at nakakabata!
Ganyan inilarawan ng TV host na si Amy Perez ang kanyang pagiging parte ng noontime show na “It’s Showtime” matapos makachikahan ng binansagang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programa na “Fast Talk.”
Pag-amin pa ni Amy, ang nasabing show ay parang pahinga na rin niya sa kanyang pang-araw-araw na buhay.
“Masaya [ang ‘It’s Showtime’], nakakabata,” sey niya.
Paliwanag niya, “Iba ang vibe kasi. Iba ‘yung nakikita mong energy sa madlang people, masaya siya.”
“Nakakalimutan mo ang problema mo when you do a noontime show, hindi ba, nang panandalian lang naman pero after ‘nun you have to face ‘yung mga daily things na dapat mong harapin sa buhay mo,” patuloy niya.
Maliban pa raw sa kanyang mga nabanggit, ang programa ay nagbibigay rin sa kanya ng pagkakataon upang ipakita ang tunay niyang pagkatao.
Baka Bet Mo: Mga anak ni Amy Perez inakalang ‘pinatay’ niya ang unang asawa: Sabi ko, ‘No! How can you say that!?’
“Kasi kapag kasama ko sila, I can be myself,” sambit ng TV host-actress.
Aniya pa, “With the madlang people, I can dance. I can also sing kahit minsan mali-mali na [lyrics] ko, [pinagkakatiwalaan] pa rin nila ako na it’s still me so okay.”
Nabanggit din ni Amy na lubos siyang natutuwa sa naging partnership sa pagitan ng ABS-CBN at GMA.
Magugunita noong July 1 ay lumipat ang “It’s Showtime” sa GTV Channel ng GMA at ilan sa mga naging guest nito sa first episode ay ang ilang Kapuso stars.
“I’m very happy [about this change] because it’s healthy. Ang industriya natin sa TV is back,” tugon ni Amy.
Saad niya, “Hindi ba lahat may trabaho? Kesyo mapaharap ng camera, likod ng camera, utility, lahat may trabaho and it’s good for everybody.”
Bukod sa naturang noontime show, host din si Amy ng “The Singing Bee,” “Umagang Kay Ganda,” at “Good Morning Club.”
Related Chika:
Vice Ganda: ‘Bagay si Barbie sa It’s Showtime, I love her vibe!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.