MATAPOS ma-engage noong nakaraang araw ay lalong nagpakilig sa social media ang soon-to-be husband and wife na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Sa pagkakataon naman na ito ay para ipagdiwang ang ika-33rd birthday ng aktor.
Sa pamamagitan ng Instagram, nagkaroon ng short but sweet message ang aktres kalakip ang isang sweet photo na magkatitigan pa silang dalawa habang nasa sunset view ng isang beach.
Ayon kay Bea, hindi na siya makapaghintay na makasama si Dominic habang buhay.
“Love greeted me at the horizon with a heavenly smile [ red heart emoji],” wika niya.
Mensahe pa ng aktres, “I can’t wait to spend the rest of my life with you. Happiest birthday to you, my love [red balloon emoji].”
Nag-reply naman diyan mismo si Dom at sinabi kay Bea, “I love you my fiancé…[red heart emoji].”
Napa-comment din ang maraming netizens sa naturang post at karamihan pa rin sa kanila ay tila hindi pa rin maka-get over sa naging wedding proposal ni Dom kay Bea.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Congratulations Bea and Dom [red heart emojis] I am truly truly happy for both of you…[purple heart emojis].”
“The greatest birthday gift for Dom is giving him your big YES to his marriage proposal. Wishing you & Dom forever happiness in your marriage journey. God bless you both! [folded hands emoji].”
“Happy birthday to your man, and Congratulations as you enter a new chapter in your lives [red heart emoji].”
Magugunita noong July 20 nang ibinandera ng aktres sa social media ang naging wedding proposal sa kanya ni Dom habang siya ay nasa taping sa Bataan.
Makikita pa nga ang black and white pictures na nagulat at napaiyak pa si Bea bago magsabi ng “yes” sa aktor.
Bumuhos ang mga pagbati sa kanila hindi lang ng fans, kundi pati na rin ang maraming kapwa-celebrities.
Kabilang na riyan sina Vice Ganda, Heart Evangelista, Maja Salvador, Maine Mendoza, Catriona Gray, Aga Muhlach, Ivana Alawi, Jolina Magdangal, Judy Ann Santos, Anne Curtis, at marami pang iba.
Kung matatandaan, taong 2021 nang kumpirmahin ng couple ang kanilang tunay na relasyon.
Nitong nagdaang Marso naman ay muntikan na silang maghiwalay, pero ipinaalala ni Dom kay Bea na “worth fighting for” ang kanilang pag-iibigan sa isa’t-isa.
Related Chika:
Pagpapakasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque fake news: ‘Hindi pa kami engaged!’