HINDI lang sa pagiging nanay at komedyana hinahangaan si Melai Cantiveros, kundi pati na rin sa kanyang pagiging relihiyoso.
‘Yan ay matapos niyang ibandera sa social media na nagsisimba pa rin siya kasama ang kanyang pamilya kahit sila ay nasa ibang bansa.
Sa serye ng Instagram post ng komedyana, makikita na kasalukuyang silang nagbabaksyon sa South Korea.
Pero agaw-pansin ang isa niyang post na kung saan ay ibinandera niya ang pagsisimba bago mamasyal at magtungo sa isang outdoor amusement park.
Caption niya, “OOTD3 ( Outfit Of The Day 3 ), But we have to go to Church First before we Enter the Kingdom of Lotte World [folded hands emoji] and its AMEN [red heart emoji].”
Ayon pa kay Melai, kahit hindi nila maintindihan ang wika ng misa roon ay masarap daw talaga sa pakiramdam kapag inuuna ang Diyos.
“Nakakataba ng puso na mag-Mass sa ibang bansa kahit ‘di namin naintindihan ang lenguahe pero ang puso namin ang nakakaintindi sa ibig sabihin ng pinunta namin sa church,” lahad niya.
Aniya pa, “Amazing ka talaga Lord , We Praise you Lord We Adore you . Kamsamnida Lord Jesus Christ [folded hands emojis].”
Baka Bet Mo: Melai ilalaban ang paggaling ng tatay: Hindi ako nawawalan ng pag-asa, magdarasal ako para sa papa ko
Dahil sa update ni Melai ay marami ang sumaludo sa kanyang pagiging magandang ehemplo.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“A very good example Melai. Keep it up. Enjoy your vacation with the family!”
“The Catholic Church is truly UNIVERSAL. Kahit nasaan ka, kahit iba ang language pare-pareho ang nagaganap. Pati mga readings at gospel [red heart emoji].”
“Bilib talaga ako sayo Momshi Melai, kahit naka bakasyon, nagsisimba pa din. God bless Cantiveros – Francisco Family.”
“God Bless Melason Family, God watches you and watches all over you [ red heart emojis]”
Related Chika:
Basher tinuruan ng leksyon ni Vice: You’re a bad example to the Christian nation!