Ina Raymundo sumabak sa ‘aged filter’ challenge, resulta ikina-shock ng netizens…anyare?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Brian Poturnak at Ina Raymundo
NALOKA ang mga netizens sa ipinost na video ng aktres at certified hot mama na si Ina Raymundo sa kanyang TikTok account.
Pak na pak ngayon sa social media ang paggamit ni Ina ng isang app kung saan makikita rin ang kanyang asawa na si Brian Poturnak.
Kumasa rin ang aktres sa paggamit ng trending aged filter app ngayon kung saan makikita ng isang user nito ang magiging itsura niya kapag siya’y tumanda na.
Kalakip ng ibinahagi niyang video ang caption patungkol sa kanyang pinakamamahal na asawa, “Sometimes, I still can’t believe that I’ve been with this man since June 2000. #dadofmy5kids #husbandwife #Godsgrace.”
Makikita sa nasabing TikTok video si Ina at kanyang mister na sinubukan nga ang patok na patok ngayong aged filter na ikinagulat ng mga netizens ang naging resulta.
Nagkakaisa ang mga followers ng aktres sa pagsasabing parang wala naman daw nagbago sa kanyang itsura samantalang kitang-kita naman ang malaking pagbabago sa mukha ng kanyang husband.
Sey ng ilang netizens, posible naman daw talagang mapanatili pa rin ni Ina ang kanyang kagandahan at young-looking na awra sa mga susunod pang taon dahil magaling siyang mag-alaga sa kanyang sarili.
Napa-sana all naman ang ibang netizens matapos makita ang transformation ni Ina makalipas ang ilan pang taon. In fairness, talagang nagsisilbing inspirasyon ng maraming nanay ang aktres dahil kahit lima na ang anak nito ay batambata pa rin ang itsura.
Sa isang panayam, sinabi ng aktres na kahit gaano siya ka-busy ay talagang naglalaan siya ng quality time para kina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, at Minka.
Pero siyempre, hindi rin niya nakakalimutan ang pagpapa-beauty, aniya sa isang interview, “I moisturize my skin every day. During the day, and before I go to bed. Super moisturized.
“I eat well. Of course, I eat one cup of brown rice kapag lunch tapos one cup sa dinner. Tapos I eat bread, wheat bread sa breakfast and one cup of cereal din. For mid-morning snacks, bread with peanut butter tapos may banana.
“I always eat on time. You know guys yun talaga common mistake, ang dami kong nakikita. Nakakasira talaga ng metabolism yung ganu’n. And mas mayroon kang tendency to crave unhealthy foods,” paalala pa ni Ina Raymundo.