Gretchen ipinamukha sa mga kalaban ang kayamanan…at sobra-sobrang kayabangan

Gretchen Barretto INQUIRER

NAGPATUTSADA si Gretchen Barretto sa kanyang bashers.

Maikli ngunit may talim ang itinuweet na message ni La Greta sa kanyang Instagram account laban sa mga taong namba-bash sa kanya.

Tweet ng aktres, “Your unkind words will only hurt me for two hours, and then I go back to being blessed and lucky. While you remain a miserable, envious, unloved troll.”

Such loaded swipe, ha! Iba rin itong si La Greta, masyadong feeling.

While it is true that you’re blessed, hindi mo na dapat ipangalandakan ‘yon. People know that already, what with your uncanny habit of flaunting your riches at any given opportunity.

Alam na ng lahat na meron kang acquired na kayabangan. Na kapag gusto mong kumain ng masarap na food ay wala kang pakialam, na nagpapa-cater ka pa sa isang event na isang host ka lamang. Na tinalbugan mo ang mga kasama mo sa pictorial shoot by bringing caches of luxurious items na para bang you were telling your co-stars subtly na mayaman ka na nga.

Yes, you’re lucky but to say that some are “miserable”, “envious” and “unloved” is something that indicative of how you feel towards other people.

Sana’y ipinagdasal mo na lang ang bashers mo. What you said left a bad taste in the mouth. Ang naging dating mo ay mayabang.

There’s an apt word to describe Gretchen: nouveau riche!

Also, La Greta conveniently forgot that in the social media ay walang puwang ang pikon!

Will someone tell Gretchen the essence of humility!

 

Read more...