Pagpapaseksi, pakikipag-love scene ni Jane Oineza kina JC de Vera at Tony Labrusca aprub kay RK Bagatsing: ‘Sabi ko, take it all in and enjoy!’

Pagpapaseksi, pakikipag-love scene ni Jane Oineza kina JC de Vera at Tony Labrusca aprub kay RK Bagatsing: 'Sabi ko, take it all in and enjoy!'

Jane Oineza at RK Bagatsing

SUPPORTIVE boyfriend pala itong si RK Bagatsing sa kanyang girlfriend na si Jane Oineza.

We’re saying this dahil um-attend siya ng back-to-back celebrity screening ng “Pira-Pirasong Paraiso” and “Nag-aapoy na Damdamin” last Saturday sa Trinoma Cinema 7.

Kabilang si Jane sa cast ng “Nag-aapoy na Damdamin.”

Backstage ay nakausap namin si RK na proud na proud sa bagong achievement ng kanyang girlfriend na super busy na pala ngayon.

Actually, he was asked kung anong celebration ang magaganap sa birthday ni Jane sa July 22. Hindi naman makapagsabi si RK ng plano dahil nga busy ang kanyang girlfriend.

“Wala muna na trips. I hope meron. We’ll gonna plan something pagkatapos mag-die down ng busy sked. Ngayon kasi parang pati ako kailangang magpa-appointment ako (sa kanya),” say ni RK.


Very supportive boyfriend si RK dahil hindi siya nagseselos kahit na mayroong mga intimate scenes ang kanyang girlfriend kina Tony Labrusca at JC de Vera.

Sa story kasi ay mai-involve si Jane kina Tony at JC. Hindi bothered si RK kung may lampungan scenes man si Jane at lalong hindi siya bothered kung may show of skin ang aktres.

Baka Bet Mo: RK Bagatsing matutupad na ang pangarap makasama sa MMFF Parade of Stars, natakot gumanap na Rey Valera sa pelikula

“Why not. Siyempre, pinaghirapan niya iyon. For the longest time, eh, pinag-iisipan niya ‘yung kinakain niya and also nagpa-fasting siya. If you have it, flaunt it,” say ng actor.

Since nanggaling na siya sa afternoon slot ng ilang teleserye, aware na aware si RK na kailangang gisingin ang mga manonood sa hapon.

“Nanggaling na ako doon. Na-experience ko na ‘yun. Wala akong masyadong tip sa kanya because I want her to experience  everything on her own. Sabi ko, take it all in and enjoy,” say ni RK nang matanong kung anong tips ang ibinigay niya sa dalaga now that her show is in the afternoon timeslot.


Nakakaloka ang plot ng “Nag-aapoy na Damdamin” dahil kakaba ito. Best friends ang magkaklaseng doctor na sina Richard Quan at Jeffrey Santos. Kinailangang sumailalim ng operasyon ni Richard at si Jeffrey ang naging surgeon niya.

Successful naman ang operation pero nagkaroon ng komplikasyon kinabukasan kung kailan ready na i-discharge si Richard. Namatay si Richard at si Jeffrey ang sinisi ni Tony Labrusca na anak ni Richard.

Nagdemanda ang pamilya ni Richard with Tony leading the fight as a lawyer.  Hindi ito matanggap ni Jeffrey kaya naman gumawa ito ng nakagigimbal na aksyon.

Grabe ang confrontation nina JC at Tony sa episode na aming napanood. Walang gustong magpatalo sa kanya. Markado rin ang role ni Maila Gumila bilang congresswoman. Pasable si Jane kahit konti pa lang ang kanyang mga eksena.

RK Bagatsing inaatake ng insecurity sa relasyon nila ni Jane Oineza: ‘Maybe I’m not enough sometimes, kaya I need to be better’

Jane Oineza bibida na sa sariling teleserye after 22 years sa ABS-CBN, inaming inalok lumipat sa ibang TV Network

Read more...