Brian Puspos ‘shookt’ pa rin nang makasayaw sa stage si BTS Jung Kook: Can’t wait for what’s to come!

Brian Puspos ‘shookt’ pa rin nang makasayaw sa stage si BTS Jung Kook: Can't wait for what’s to come!

Brian Puspos, BTS Jung Kook

ANG swerte naman ng Pinoy choreographer na si Brian Puspos!

Paano ba naman kasi, nakasayaw niya sa iisang stage si Jung Kook, ang isa sa miyembro ng K-Pop supergroup na BTS.

Nangyari ‘yan sa summer concert ng ABC television network na “2023 Summer Concert Series” noong July 14 sa New York City sa Amerika.

Ang tinanghal ng dalawa ay ‘yung kalalabas lang na debut single ni Jung Kook na pinamagatang “Seven.”

Baka Bet Mo: BTS Jung Kook nilabas na ang debut single na ‘Seven’, music video #1 trending sa YouTube

Sa pamamagitan ng Instagram ay proud na ibinandera ni Brian ang ilang pictures at videos ng naturang memorable moment.

Sinabi pa nga ng choreographer, pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya dahil sa nangyari.

Sey niya sa IG, “Dreaming, don’t wake me up please.”

“When JK asks you to dance, you go and dance!!,” wika pa niya.

Kasunod niyan ay lubos siyang nagpasalamat sa Korean star, pati na rin sa team nito na patuloy na nagtitiwala sa kanya.

“Thank you everyone for all the love and support. Big thank you to the man Jung Kook and the team @bangster277 @noah_nakta for continuing to believe in me in whatever form it may be – giving me opportunity to choreograph or now being a performer,” lahad niya.

Aniya pa, “Feeling very grateful to be in this position sharing with friends and good company. Can’t wait for what’s to come [red heart emoji].”

Matatandaan noong 2016 nang gawan ng dance cover ni Jung Kook kasama ang ka-miyembro niya na si Jimin ang choreography ni Brian para sa kantang “Own It.”

Agad na nag-viral ang nasabing video at umani ito ng 20 million views.

Kasunod naman niyan ay nakatrabaho ng Pinoy choreographer si Jimin upang gawan ng dance steps ang 2017 solo song ng BTS member na pinamagatang “Serendipity.”

Related Chika:

Read more...