Doris Bigornia ramdam na ramdam ang pagmamahal ng Diyos nang magkasakit kakatrabaho: Hindi ko akalaing makakaligtas ako

Doris Brigornia ramdam na ramdam ang pagmamahal ng Diyos nang magkasakit kakatrabaho: Hindi ko akalaing makakaligtas ako
MARAMI na ang nakaka-miss kay “TV Patrol” reporter Doris Bigornia o tinaguriang Mutya ng Masa habang nagre-report sa kalye, sa overpass kahit masama ang panahon at marami pang iba.Pinagbawalan na kasi si Doris ng kanyang duktor na gawin ang nakasanayang pagre-report dahil sa health condition niya.

Bungad ng Kapamilya reporter kay Ogie Diaz sa YouTube channel nito ay, “Nagkaroon ako ng matinding sakit kung baka binalikan na ako ng mga puwedeng bumalik na sakit sa akin sa tagal ng pagta-trabaho ko na nakalimutan ko na ‘yung health ko, napabayaan ng konti.

“Nagkaroon ako ng sakit sa puso, triple bypass ako, isang bagsakan ‘yun Mama Ogs (Ogie), eh, isang bagsakan.”

Pagbabahagi ni Doris, “Inatake ako sa puso 2020 ito kasagsagan ng pandemya. Inatake ako sa puso, nasira ‘yung kidneys ko, meron akong highblood pressure, diabetic ako lahat na. Hindi naman ako totally nawala nag slow down ako sa TV Patrol kasi ang daming restrictions kasi nga naoperahan na ako triple bypass, so, hindi ako nakalabas sa ospital ng isang buwan mahigit.

“Buti na lang nu’ng nakauwi na ako, work from home puwede, so, doon ako nagre-report hindi na ako makalabas, hindi na ako nakikita sa gitna ng EDSA na nagi-interbyu ng mga motorist, hindi ko na magawa ‘yun.”

Komento ni Ogie ay nagbawas ng trabaho si Doris at inamin naman nito.

“’Yung iyong sinapit feeling mo, ‘mahal talaga ako ni Lord?”

Baka Bet Mo: Anak ni Doris Bigornia nanawagan ng tulong pinansyal para sa ina; #FundingDoris inilunsad

“Sabi ko, ‘ang lakas ko kay Lord! Akala ko nu’ng una ang lakas ko sa baba, sa taas pala ako malakas. Sa tulong din ng pamilya, meron akong tinatawag na mga prayer warriors, nakaligtas ako, eh. Hindi ko akalaing makakaligtas ako.

“Yung mga anak ko akala din nila hindi na kasi sabi ng mga duktor kahit tapos na ‘yung bypass hindi pa siya ligtas kasi oobserbahan pa baka tinamaan ‘yung utak, tinamaan ang boses, mga ganyan, so, touch and go talaga ‘yung mga time na ‘yun.

“Sobra-sobra talaga ang suwerte. Bakit ‘yung ibang tao mama Ogs pag life and death situation nakikita nila, ‘I saw a light (tinanong ni Ogie kung meron), wala, eh. Hindi ko alam kung bakit, hindi ako nakakita ng light. Parang impyerno nga nakita ko, (natawa),” paglalarawan ni Doris sa pagkatapos niyang operahan.

Pinaramdam daw sa lady reporter na ang sobra niyang pagta-trabaho kaya siya nagkasakit kaya’t kailangan niyang mag slow down sa work pero hindi pa rin nito ginawa.

“As soon as nakakuha ako ng fit to work clearance balik ulit ako, una pinayagan ako sa studio lang. Minimize ‘yung interaction sa mga tao, man on the street interviews kasi napaka vulnerable ko sa lahat ng klase ng sakit and at that time mayroon pang Covid di ba?

“So, ngayon puwede naman kaya lang bawas pa rin sa interviews sa man on the street na parang napaka-ironic kasi nga kilala ako bilang Mutya ng Masa, so, ‘yun ang parati kong ka-interact, ang masa, e, ngayon teka muna,” paliwanag ni Doris.

Aminadong nahirapang mag-adjust si Doris sa trabaho niay dahil buong buhay niya ay ito ang ginagawa niya.

“At that time sabi ko, ‘parang sobrang batok naman ang ginawa sa akin ng Diyos! Parang puwede namang sana kinausap na lang niya ako ng maayos. Pero ‘yung ganu’n klaseng sakit na matindi hindi ko inakalang mangyayari sa akin na hanggang ngayon patuloy kasi nagda=dialysis ako, eh kasi nasira nga ‘yung aking kidney,” pahayag pa ng sikat na lady reporter ng TV Patrol.

Kilalang mataray, maingay at palaban si Doris pero maraming nagmamahal sa kanya dahil sa panahong nasa Intensive Care Unit o ICU siya ay maraming nanalangin sa kanya at maraming tumulong sa kanya financially.

“Iyon ang kinagulat ko talaga na may mga tumulong, e, siyempre nasa Asian Hospital ako hindi naman barya-barya ang gastos doon, so, talagang ikawiwindang mo!

Baka Bet Mo: Doris Bigornia: BFF ko na ngayon ang dialysis, ito ang sumasalba sa buhay ko…

“Nag step out ang mga tao, people na hindi ko talaga kilala, mga listeners namin ni Alvin (Elchico – SRO program sa DZMM).

“Mayroon doon isang bata, ‘sorry mommy Doris (5 years old), ito lang ang mabibigay ko sa ‘yo pero ipagdarasal pa rin kita. Five pesos ibinigay nu’ng bata, wow! Sabi ko ganu’n ba?

“Sabi naman nu’ng ibang nag-donate kasi lagi mo kaming pinapatawa bago kami matulog kahit maraming problema kapag matutulog kami nakangiti kami dahil pinapatawa n’yo kami ni Alvin,”pagbabahagi ni Doris.

Dagdag pa, “we didn’t know that na kami ni Alvin ay marami palang napapasaya at malaking bagay pala iyon sa tao kahit may problema napapagaan namin. So, ‘yung sakit koi yon ang naging paraan para ma-realize ko na, ‘hoy bruhang babae ka maraming natutuwa, so give back. And how do you do that? Be good at your job. ‘Yun lang ang sa akin. Maging magaling ka. Magaling ka na sa palagay mo, galingan mo pa kasi maraming tao ang umaasa hindi lang sa impormasyon kundi do’n sa ibinibigay mon a may konting pag-asa, konting saya sa gitna ng maraming problema.”

Aminadong natakot nab aka hindi na makabalik sa trabaho, “sabi ko posibleng hindi na ako makabalik kaya nilabanan. Nu’ng lumabas ako ng ospital hindi ako makalakad kasi 40 days akong nakaratay, so, I had to learn again how to walk. Araw-araw ‘yun pinilit ko.

“Kailangan ko ng therapy, magkano therapy Asian (hospital), dyusko gugustuhin mong tumakbo sa presyo kaya kinarir ko talaga na matuto ulit na lumakad. Parang bata hindi mo ma-feel ‘yung paa mo, hindi moa lam kung paano, hindi moa lam kung right or left kaya sabi ko hindi ako papayag, hindi ako papayag kasi may mga anak ako. Kailangan kong magtrabaho. Iyon ang motivation ko, ang mga anak ko.”

Bagama’t may mga work na ang mga anak ni Doray (pet name) ay hindi pa rind aw tumitigil ang pagka-nanay niya.

“Hindi matitigil ‘yun up to your last breath, tutulong at tutulong ka sa mga anak mo. kaya nga ‘yun ang sinasabi ko, soul prayer ko sa Diyos,m ‘wag muna, ‘wag muna ngayon kasi kung kukunin mon a ako, maayos na maayos na sila,” sambit ni Doris.

At naibahagi rin nito na naglulupasay sa iyak ang anak niyang babae dahil nu’ng nagising siya ay kaagad tinanong ang pangalan niya dahil ang sabi ng duktor kapag nagising at tinanong ang pangalan nito at hindi alam ay malaki ang problema.

“Kaya nu’ng tinanong ako ng nurse sabi ko pa, “kayo naman nu’ng pumasok ako dito kinuha n’yo naman lahat ang mga impormasyon, parang nagagalit na nga ‘yung nurse, ‘ano nga ang pangalan n’yo!’ sabi ko naman Doris Bigornia ako! So, hindi tinamaan ang utak ko, so, ‘yun talaga blessing kasi puwede akong tamaan pag tinamaan talaga wala na, hindi ka na makakabawi talaga.”

Mahal nga ng Diyos si Doris dahil sa rami ng naranasan niyang peligro sa nature ng trabaho niya tulad ng pag-kober ng giyera sa Mindanao ng military at Abu Sayaf aybuhay pa siya. At wala raw siyang inurungang assignment.

Biro nga ni Ogie, “wala kang giyerang hindi tinapos.”

At ang pagkakasakit niya ang giyerang, “na blind sight ako ro’n, hindi ako naka-prepare kasi akala ko bata pa ako kaya ko pang tumakbo, kaya ko pang umakyat ng bundok hindi ko alam it was taken a toll in my health kasi kakain ka minsan hindi na kayo kumakain dahil sa deadline pinabyaaan ko lahat ‘yun, so binatukan nga ako.”

Hindi pa rin puwedeng tumigil sa pagta-trabaho si Doris dahil under medication pa rin siya kaya lahat ng kinakain niya ay compromise dahil maraming bawal na niyang kainin.

At ang pinaka-wish ni Doris ay makasama ang mga anak out of town kahit sa Japan para mag bonding para maalala na masaya silang tatlo.

 

Related Chika:
Doris balik-TV Patrol matapos sumailalim sa triple heart bypass surgery; ‘Feel Good Pilipinas’ umariba na

Doris Bigornia inireklamo ng GMA reporter sa Davao: Nabastusan kami sa kanya!

Read more...