BTS Jung Kook nilabas na ang debut single na ‘Seven’, music video #1 trending sa YouTube

BTS Jung Kook nilabas na ang debut single na ‘Seven’, music video #1 trending sa YouTube

PHOTO: Instagram/@bts.bighitofficial

FINALLY! Nilabas na ni Jung Kook ng K-Pop sensation na BTS ang kanyang kauna-unahang solo single.

Ito ang “Seven” na tungkol sa pagmamahal ng isang tao sa loob ng isang linggo.

“The single sings about wanting to always be with one’s loved one from Monday to Sunday—seven days a week—just like the title of the song itself. It is a passionate love serenade,” chika ni Jung Kook.

Dito, aniya, niya ipinakita sa kanta ang bagong aspeto ng kanyang sarili na hindi pa nakikita ng kanyang fans.

Baka Bet Mo: BTS members nakumpleto para ihatid sa ‘military enlistment’ si j-hope

“Through this single, I showed a new facet of myself that has never been shown better,” sey niya.

Inamin din ng singer na kahit siya ay naaadik na pakinggan ang kanta dahil sa kakaiba nitong tunog.

Sambit niya, “The single is an addictive song that can be enjoyed easily by anyone. The first time I heard the song, I immediately thought, ‘I need to do this. This is it.’ I don’t easily get hooked on a song, but I did with this one. I could picture myself performing it.” 

At speaking of addicting music, nag-number one agad sa trending music ng YouTube ang music video ng “Seven.”

Tampok pa nga riyan ang Korean actress na si Han So-hee na kung saan ay lumagpas na ito sa one million views makalipas lamang ang sampung minuto ng pagkaka-upload nito.

As of this writing, may mahigit 37 million views na ang nasabing music video.

Ang solo single ni Jungkook ay nakatakda niyang i-perform sa kauna-unahang pagkakataon sa Central Park sa New York ngayong July 15 para sa summer concert ng ABC television network na “2023 Summer Concert Series.”

Related Chika:

Read more...