Riders na sisilong sa ilalim ng mga footbridge, flyover papatawan ng P500 na multa –MMDA

Riders na sisilong sa ilalim ng mga footbridge, flyover papatawan ng P500 na multa –MMDA

INQUIRER photo

TIRIK man ang araw o malakas ang buhos ng ulan, bawal nang sumilong ang motorcycle riders sa ilalim ng mga footbridge o flyover sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga lalabag sa bagong panukala ay pagmumultahin ng P500.

Pero ayon kay MMDA acting chairman na si Romando Artes, magsisimula ang bagong patakaran kapag nakapag-provide na sila ng mga alternatibong silungan para sa mga motorista.

“Obstruction ang unang una penalty diyan P500, so soon kung maayos po natin ang sistema particularly sa mga gasoline stations I think we’ll strictly enforce na po ang pag-i-issue ng ticket sa mga mag–violate,” sey ni Artes sa mga reporter noong July 12.

Baka Bet Mo: Yassi walang kaarte-arte sa pamamalengke, nakipagtagisan sa paglilinis ng isda

Sinabi rin ni Artes na kasalukuyan na silang nakikipag-usap sa mga may-ari ng gasoline stations dahil doon nila balak ilagay ang mga tents para sa mga rider.

Binigyang-diin din ng MMDA acting chairman na delikado ang ginagawang pagtambay ng mga rider sa ilalim ng footbridge o flyover.

“Unang una delikado iyon para sa kanila, imagine niyo nasa highway ka titigil ka doon, pwede kang masagasaan o mabangga ‘pag hindi ka napansin ng ibang nagmamaneho ng sasakyan,” paliwanag ni Artes.

Dagdag pa niya, “Pangalawa nagca-cause po siya ng traffic kasi imagine kung 30 minutes to an hour ‘yung ulan hindi po sila umaalis hangga’t hindi tumitila.”

“So minsan isang lane na lang ang nadadaanan na nagca-cause ng sobrang traffic,” aniya pa.

Samantala, tiniyak naman ng MMDA sa mga motorista na ang lay-by areas ay mananatiling bukas para sa kanila.

Read more:

Seth Fedelin binalikan ang kuwento ng P500 na inutang ng ama para makapag-audition sa PBB: ‘Sabi ko kay Papa, yung limang daan niya tumubo na’

Read more...