Timothée Chalamet bibida sa prequel film na ‘Wonka’, tampok din si Rowan Atkinson

Timothée Chalamet bibida sa prequel film na ‘Wonka’, tampok din si Rowan Atkinson

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

SUSUNDAN ng American-French actor na si Timothée Chalamet ang mga yapak ng sikat na Hollywood stars na sina Gene Wilder at Johnny Depp.

Siya na kasi ang bagong gaganap sa fictional character na binansagang world’s greatest inventor, magician at chocolate maker na si “Willy Wonka.”

Pagbibidahan ni Timothée ang pelikulang “Wonka,” ang prequel ng 1971 film na may titulong “Willy Wonka and the Chocolate Factory.”

Noong July 12, inilabas na ang unang trailer ng prequel movie at makikita na gaganap ang aktor sa batang bersyon ng sikat na chocolate maker.

Mapapanood din ang ilang eksena na na kung saan ay nagsisimula pa lang si Willy Wonka na itayo ang kanyang chocolate factory.

Nariyan ang mga eksenang nadiskubre ng fictional character ang cocoa beans at ang pagkakaroon ng sariling tindahan ng tsokolate.

Baka Bet Mo: Timothée Chalamet, Zendaya magtatambal sa bagong pelikula ng ‘Dune’

Maliban pa kay Timothée, kaabang-abang din sa fantasy film ang sikat na “Mr. Bean” at “Johnny English” star na si Rowan Atkinson.

Gayundin ang ilan pang international stars na sina Calah Lane, Emmy and Peabody Award winner Keegan-Michael Key, Paterson Joseph, Matt Lucas, Mathew Baynton, Oscar nominee Sally Hawkins, Jim Carter at Oscar winner Olivia Colman.

Tapok din ang mga bituin katulad nina Natasha Rothwell, Rich Fulcher, Rakhee Thakrar, Tom Davis at Kobna Holdbrook-Smith.

Ang pelikulang “Wonka” ay nakatakdang mapanood sa mga lokal na sinehan sa darating na January 8 sa susunod na taon.

Related Chika:

Read more...