Laruan lang (2)

Sulat mula kay Erna ng Barangay Pamucutan, Zamboanga City
Problema:
1.      Nadismaya ako sa sinabi ng magtatawas.  Nagpatingin kasi ako dahil akala ko buntis na ako.  Tatlong taon na kaming nagsasama ng boyfriend ko pero di pa kami nagkakaanak.  Hindi naman talaga kailangan namin ng bata sa ngayon dahil napakahirap ng buhay.  Pero ito na lang ang kulang sa amin para masabing may pamilya na ako.  Ang sabi ng magtatawas ay hindi naman ako buntis.  Hindi raw ako mabubuntis sa lalaking hindi naman ako tunay na mahal.
2. Ang sabi ng magtatawas ay pinaglalaruan lang daw ako ng kinakasama kong lalaki.  Nadismaya ako at gulung-gulo ang aking isipan.  Gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya, pero ayaw niya. Mas matanda kasi siya sa akin ng limang taon. Ano po ba ang dapat kong gawin upang makatakas na ako sa panggagayumang ginawa sa akin ng boyfriend ko? July 1, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Erna ng Barangay Pamucutan,
Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces  (Illustration 1.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer ang magiging ikalawang boyfriend mo, matapos mahiwalay sa kasalukuyan mong boyfriend. Kung saan, ang lalaking Cancer na nga ang makakasama mo habambuhay.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa taon ding ito, mawawala ang bisa ng gayuma na ginamit sa iyo ng kasalukuyan mong boyfriend at ka-live-in, upang pagkatapos ng 7 hanggang 8 buwan magka-boyfriend ka uli ng lalaking isinilang sa petsang 13. Ang lalaking ito na may zodiac sign na Cancer at birth date na 13, tulad ng nasabi na, ang panghabambuhay mo nang makakasama sa pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang tuluyan nang mawala ang bisa ng gayuma, lagi kang gumamit ng kulay pula at dilaw. Sa ganyang paraan magbabalik ang katinuan ng iyong isipan. Makakalaya ka na sa kanyang pang-gagayuma.
Huling payo at paalala:
Erna, ayon sa iyong kapalaran, hindi na magtatagal ang pangga-gayumang ginawa sa iyo ng kasalukuyan mong boyfriend na ka-live in mo ay mawawalan ng bisa. Upang pagkatapos magpasya kang makipaghiwalay sa kanya. Hanggang sa makilala mo ang ikalawang lalaking darating sa iyong buhay na nagtataglay ng initial na R.A., ang lalaki ito ang siya ng totoong mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng  maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Read more...