TUMULONG sa mga biktima ng lindol sa Bohol sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa kanila.
Huwag umasa sa gobyerno na gagawa ng tulong sa mga nasalanta ng 7.2-magnitude earthquake sa island province dahil hindi sapat ang tulong ng gobyerno.
Tumulong na personal sa mga biktima.
Magbigay ng mga de-latang pagkain, bigas, medisina, kumot, kulambo, banig, mga gamit na hindi na ninyo pinakikinabangan, at bottled water.
Kung mayaman kayo, mas mabuti kung cash ang inyong ibigay dahil maraming paggagamitan ng pera.
Kung hindi ninyo alam kung saan ninyo ipadadala ang inyong donasyon, pumunta sa Philippine Red Cross. Tiyak na makakarating ang inyong donasyon.
Maraming mga private companies ang nagboluntaryong magdala ng donasyon sa Bohol free of charge. Ang mga ito ay Philippine Airlines, Air Asia, Zest Air, mga freight forwarding companies like JRS at LBC.
Ang mga taong tumutulong sa mga taong na-ngangailangan ay hindi kinakapos ng mga bagay na materyal.
The more you give, the more you receive; the more you receive, the more you are able to give.
The Universe rewards people who are generous.
Sinampahan ng Bureau of Customs ng kasong smuggling sa Department of Justice ang mga importers at brokers na nagdala ng P60 milyon worth of used clothings na tinatawag na “ukay-ukay”.
Dapat ay noon pa nagsampa ng kasong smuggling ang customs bureau sa mga importer ng ukay-ukay.
Ang ukay-ukay ay mga second-hand na mga damit na inilaan sa mga mahihirap sa mga third world countries. Para ito sa mga biktima ng kalamidad.
Ang mga ito ay pinamigay ng mga mayayamang bansa.
Pero ang kaso ay ginawang negosyo ng mga taong walanghiya.
Kung kayo ay nagsusuot ng mga ukay-ukay na damit, para na rin ninyong ninakawan ang mga mahihirap dahil para sa kanila ang mga yan.
Kung kayo ay may kaya at mahilig kayo sa ukay-ukay, hindi kayo aasenso dahil ang inyong consciousness ay mahirap.
Ang mga mahihirap lamang ang nagsusuot ng mga damit na pinagsawaan na ng ibang tao.
Natawa ako noon nang sinabi ni Lulli Arroyo, anak ng dating Pa-ngulong Gloria, na mahilig siyang mamili ng ukay-ukay sa Baguio City.
Hindi ko siya pinagtawanan, ang pinagtawanan ko ay ang kanyang pag-amin na bumibili siya ng bawal na gamit.
Ang ukay-ukay ay bawal na gamit dahil ito’y iligal na dumating sa bansa. Ang ukay-ukay ay kontrabando. Hindi pinapayagan ng gobyerno na magparating ng mga used clothings na pinagbibili.
Parang nagmukhang cheap si Lulli kahit na gusto niyang iparating na siya’y simpleng tao lamang.
Ang pagbili ng ukay-ukay ay ginagawa lamang ng mga taong hindi ma-kabili ng mamahaling damit na di pa gamit.