Korean comedienne Lee Ji Soo pumanaw sa edad na 30

Korean comedienne Lee Ji Soo pumanaw sa edad na 30
BINAWIAN na ng buhay ang South Korean comedienne na si Lee Ji Soo sa edad na 30.

Ayon sa report na inilabas ng South Korean entertainment portal na Soompi, pumanaw ang komedyana noong Martes, July 11, 2023.

Bagamat naibalita ang pagkamatay ni Ji Soo ay hindi naman na idinetalye pa ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Marami ang nabigla at nalungkot sa hindi inaasahang pagpanaw ng Korean comedienne lalo na ng mga kaanak, katrabaho, malalapit nitong kaibigan, at mga tagasuporta.

“I hope you have more happiness and laughter everyday in heaven. Thank you for always making me laugh,” pasasalamat ng fan kay Ji Soo.

Baka Bet Mo: Ina ni Lee Ji Han may ‘nakakawasak’ na sulat para sa anak na namatay sa Itaewon Halloween party

“I was surprised after reading the article but it looks like it’s true. She [Ji Soo] was one of the comedians that I accidentally watched at the Yoon Hyung Bin So Theater. I’m so sad. Rest in peace,” sabi naman ng isa.

Sey naman ng isa, “I laughed a lot. Thank you. Be happy out there.”

Hindi rin maiwasan ng iba na malungkot dahil sa sunud-sunod na balita hinggil sa pagkamatay ng mga Korean stars ngayong taon.

Bukod pa rito, marami rin ang nanghihinayang lalo na’t nagsisimula pa lang ang karera ni Ji Soo sa industriya ng pagpapatawa.

Una ito nakilala matapos ang kanyang debut sa tvN’s “Comedy Big League” noong 2021 kung saan nagkaroon ng active participation sa iba’t ibang segment ng programa hanggang sa pag-exit nito early this year.

Nagtuloy-tuloy rin ang pagkakaroon ni Lee Ji Soo ng mga proyekto at guestings sa iba’t ibang comedy shows sa South Korea.

Related Chika:
‘Snowdrop’ Korean actress Kim Mi Soo pumanaw na, K-drama fans nagluluksa

Lee Ji Han kabilang sa mga nasawi sa Itaewon Halloween stampede

Read more...