Bwelta ni Kakai Bautista kay Rendon Labador: ‘Mukha talaga akong pera dahil ang daming umaasa sa ‘kin’

Bwelta ni Kakai Bautista kay Rendon Labador: 'Mukha talaga akong pera dahil ang daming umaasa sa 'kin'

Kakai Bautista at Rendon Labador

HINDI affected ang Kapuso singer-comedienne na si Kakai Bautista sa mga nakakalokang patutsada sa kanya ni Rendon Labador.

Walang kagatul-gatol na sinabihan ng motivational speaker at social media personality si Kakai na hindi na nga raw siya maganda, ay mukha pa siyang pera.

Ito’y matapos ngang sabihin ng komedyana na mas gusto muna niyang magpayaman nang bonggang-bongga kesa magdyowa.

“Mukha talaga akong pera. Sino bang hindi mukhang pera? Naku lahat ng tao mukhang pera. Jusko hindi tayo makakakain kung wala tayong pera. Ano ‘to, ‘di ba?


“So, depende ‘yun sa tao kung hanggang saan ‘yung pagiging mukhang pera niya. Kung gagamitin niya ba ‘yun sa masama o mabuti. ‘Di ba mukha akong pera kasi maraming umaasa sa akin at marami akong gustong matulungan lalo na ‘yung family ko,” depensa pa ni Kakai.

“Siyempre ‘di ba, uunahin natin ‘yung pamilya natin ‘di ba. Kapag marami kang pera, marami kang mapapasaya. Totoo ‘yan ‘di ba?” aniya pa nang makachikahan namin last Friday sa Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga.

Sinorpresa ni Kakai ang mga officers and members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na bumisita sa Beautederm HQ ng isang bonggang impromptu mini-concert na in-organize ng President and CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

“Dream natin ng maraming work. Ako work work lang talaga ako. Doon tayo sa kung saan may work doon tayo. Happy naman ako, eh,” sabi pa ng biriterang komedyana.

Baka Bet Mo: Kakai Bautista: ‘Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin

Ibinalita rin ng dalaga na naibili na niya ng sariling bahay ang mga magulang sa Laguna, “Two years ago pa tapos ‘yung isang mala­king, good achievement ko this year is nakabili na rin ako for myself. Diyan lang sa tabi-tabi.

“So happy na ‘ko at least ‘di ba, inuna ko muna ‘yung family ko bago ako,” kuwento pa ni Kakai.


Sunod na tanong sa kanya kung nararamdaman ba niyang may kulang pa sa buhay niya ngayon. Natawa si Kakai dahil alam na niya kung saan papunta ang usapan.

“Ayan na naman tayo, eh. Wala. Punumpuno pa ako. Punumpuno ako. Masyado akong happy mag-isa ngayon,” paniniguro ni Kakai.

“Saka ang goal ko ngayon mapasaya ko ‘yung mga magulang ko saka ‘yung mga kapatid ko kasi gusto makapag-travel kami. So mukha akong pera. Magtatrabaho ako,” sabi ng dalaga.

Kuwento pa ni Kakai, “Recently kasi first time kasing umalis ng Papa ko abroad kasi 70th birthday niya. So trineat ko sila ni Mama sa Hong Kong. First ever nila ‘yun. Business class ko sila tapos hindi naman bonggang hotel.

“Alam mo ‘yun para lang maranasan nila. Kasi ako travel ng travel eh ‘di ba ‘pag magulang natin gusto nila ‘yung oh birthday, nak perahin mo na lang. Sabi ko this time, hindi, aalis tayo, Ma. Alis tayo, Pa.

‘Yung pinsan ko kasama ko. Apat lang kami so pinasyal ko lang talaga si Mama’t Papa sa Disneyland. Kasi ‘yung pinsan ko first time rin niya. So sabay ko lumaki ‘yung pinsan ko.

“Hindi pa siya nakakaalis ng bansa. So first time niya umalis ng Pilipinas. So nag-Disneyland kami, namasyal kami, kumain kami ng masarap kasi parang ako naman ‘yung travel nang travel dahil nga privilege ko ‘yun sa work ‘di ba.


“Marami akong chances to travel because of my work, my job. So ngayon medyo maayos na. Hindi na kami hikahos sa buhay. So it’s time naman to pasyal ko naman ‘yung aking family,” pagbabahagi pa ni Kakai.

“Pangako ko every year aalis talaga ako. Magta-travel ako alone. So, kung meron man akong kikitaing mga friends, doon ko na kikitain sa ibang bansa. So ginagawa ko s’ya every year,” dugtong pa niya.

Samantala, isa si Kakai sa mga favorite Beautederm ambassador ni Ms. Rhea Tan dahil bukod sa mabait at talentado talaga ay napakasipag ding mag-promote.

In fairness, hindi nagdalawang-salita si Kakai nang imbitahan ni Ms. Rei na dumalaw sa Beautederm HQ sa Angeles kasama sina DJ Jhai Ho at Kapuso star Thia Thomalla para sa isang simpleng bonding kasama ang SPEEd officers and members.

Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

Payo kay Kakai: Ipagawa mo ang ipin mo, may potential kang maging sikat na singer

Read more...