Taylor Swift napa-senti mode nang nilabas ang ‘Speak Now (Taylor’s Version)’

Taylor Swift napa-senti mode nang nilabas ang ‘Speak Now (Taylor’s Version)’

PHOTO: Instagram/@taylorswift

NAGDIWANG ang fandom na “Swifties” matapos ilabas ng Grammy-winning singer-songwriter na si Taylor Swift ang kanyang re-recorded album na “Speak Now (Taylor’s Version).”

Bukod sa 14 songs mula sa orihinal na album, tampok din diyan ang 2010 bonus tracks na “Superman” at “Ours.” 

Laman din niyan ang ilang unreleased tracks, pati na rin ang song collaborations with Hayley Williams ng Paramore at bandang Fall Out Boy.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ikinuwento ni Taylor na ang mga kanta sa bagong labas na re-recorded album ay naisulat niya noong nasa murang edad pa lamang siya.

Baka Bet Mo: Taylor Swift, Joe Alwyn naghiwalay na makalipas ang 6 years na relasyon?

Tungkol daw ito sa kanyang paglaki at ilang mga sikreto noong siya ay bata pa.

“It’s here. It’s yours, it’s mine, it’s ours. It’s an album I wrote alone about the whims, fantasies, heartaches, dramas and tragedies I lived out as a young woman between 18 and 20,” sey ng international pop singer sa kanyang IG post.

Patuloy pa niya, “I remember making tracklist after tracklist, obsessing over the right way to tell the story.” 

“I had to be ruthless with my choices, and I left behind some songs I am still unfailingly proud of now,” ani pa niya.

Kasabay niyan ay lubos din siyang nagpasalamat sa kanyang fans na laging nandyan at sumusuporta sa kanyang music journey.

“I recorded this album when I was 32 (and still growing up, now) and the memories it brought back filled me with nostalgia and appreciation,” lahad niya.

Sambit pa niya, “For life, for you, for the fact that I get to reclaim my work.” 

Ang “Speak Now (Taylor’s Version)” ay ang ikatlong re-recorded series matapos ilabas ang “Fearless” at “Red” albums noong 2021.

Related Chika:

Darryl Yap: Nakakapeste lang na sasabihing nakiki-ride on kami sa JaDine

Read more...