Angelu de Leon proud sa pagtatapos ng anak, cum laude pa: Buti na lang mana ka sa akin

Angelu de Leon proud sa pagtatapos ng anak, cum laude pa: Buti na lang mana ka sa akin
SUPER proud ang aktres na si Angelu de Leon sa kanyang anak na si Loise na nagtapos kamakailan sa college sa Ateneo de Manila University.

Sa kanyang Instagram page ay proud niyang ibinandera ang pag-graduate ng anak with flying colors.

“To my dear Loise, You deserve the best life has to offer because you do not settle for anything less than you deserve,” panimula ni Angelu.

“Graduating cum laude in your class just goes to prove that. Buti na lang mana ka sa akin,” biro pa niya sa anak.

Chika pa ni Angelu, alam niya at nakita niya kung paano nagpakahirap ang kanyang anak para mag-excel sa kanyang pag-aaral at ma-achieve nito ang pagiging cum laude.

Baka Bet Mo: Gladys super excited na sa dream project kasama sina Juday, Claudine, Jolina at Angelu: ‘I’m willing to co-produce it if ever’

“Congratulations again my love! We’re proud of you! We’ll always be here to cheer for you.

“May God continue to bless and guide you through the next chapter of your life. We love you,” sey pa ni Angelu.

Marami naman sa mga kaibigan ng aktres mula sa industriya ang nagpaabot ng congratulatory messages para sa dalaga.

“Wow!!!congrats neng…mana ka sa akin nak…” sey ni Wilma Doesnt na malapit kay Angelu.

“Congratulations Loise! Congratulations Mars and Pars,” comment naman ni Sherilyn Tan.

“Yayyy!!! Praise God for this!! Congratulations!!” saad naman ni Almura Muhlach.

Related Chika:
Angelu de Leon umaming inaatake pa rin ng Bell’s palsy: But it doesn’t bother me anymore

Chubi del Rosario naging alcoholic: May long neck akong brandy tapos manonood lang ako ng ‘Oprah’, iinumin ko yun hanggang umaga

Read more...