IBINUNYAG ng aktor na si Jake Cuenca ang kanyang mga nagustuhan sa nakaka-date niyang aktres na si Chie Filomeno.
Pero bago ‘yan, inamin ng aktor na masaya siya ngayon sa piling ng aktres.
“I’m happy, but like I said, ayaw kong maudlot,” sey niya sa Inquirer Entertainement matapos tanungin sa naganap na media gathering para sa pelikula niyang action series na “The Iron Heart.”
Aniya, “Things are really very good right now, but there’s really nothing much to tell. I can certainly say that she makes me happy.”
Ayon kay Jake ang unang-unang napansin niya kay Chie ay ‘yung kabutihang loob nito, lalo na pagdating sa pamilya.
“What’s special about Chie is her heart,” pagtatapat ng aktor.
Sambit pa niya, “To be honest, I already knew that she was a very kind person the first time we dated. She’s also very family-oriented. I appreciate that about her because I’m also like that.”
“I also appreciate her journey,” dagdag pa niya.
Paliwanag ni Jake, “She’s someone who has been in this industry for a long time, but it’s only now that her star gets to really shine.”
“She waited for her time to come. I find that just as beautiful as she is,” ani pa ng aktor.
Kamakailan lang ay inamin ni Chie na wala pa silang label ng aktor at nasa “getting to know” stage pa lamang sila.
Kwento pa ng aktres sa isang interview, hindi sila nagmamadali sa kanilang relasyon dahil iba ang prayoridad niya sa buhay.
Nauna rin namang sinabi ni Jake na abala rin siya ngayon sa trabaho, pero gumagawa pa rin siya ng paraan upang makipag-date.
Kung maaalala, naging usap-usapan sa social media ang dalawang artista dahil agaw-pansin ang madalas na pagla-like at pagko-comment ni Jake sa mga posts ni Chie.
Related Chika: