ILANG araw nang naka-confine at nagpapagaling sa Intensive Care Unit (ICU) ang legendary singer na si Madonna.
Ibinalita ‘yan mismo ng kanyang manager na si Guy Oseary sa isang Instagram post.
Ayon pa kay Guy, dahil ito sa “serious bacterial infection” na nakuha ng singer.
“On Saturday June 24, Madonna developed a serious bacterial infection which lead to a several day stay in the ICU,” wika ng manager sa IG.
Gayunpaman, tiniyak naman ni Guy na unti-unti nang bumubuti ang lagay ni Madonna at inaasahan na tuluyan na itong gagaling sa mga susunod na araw.
“Her health is improving, however she is still under medical care. A full recovery is expected,” sey sa post.
Dahil sa nangyari sa legendary singer ay kinailangang i-postpone ang kanyang shows, lalo na ang kanyang concert tour na magsisimula sana sa July 15.
Caption ni Guy, “At this time we will need to pause all commitments, which includes the tour.”
“We will share more details with you as soon as we have them, including a new start date for the tour and for rescheduled shows,” ani pa.
Baka Bet Mo: Madonna nagladlad na sa publiko: ‘I’m gay!’
Ang “Madonna: The Celebration Tour” ay ang pagdiriwang ng kanyang music career sa loob ng apat na dekada.
Mangyayari sana ‘yan sa iba’t-ibang lugar ng Amerika, kasama na ang Vancouver, Detroit, Chicago, New York, Miami, Los Angeles, Denver, Atlanta, Boston at Las Vegas.
Ayon kay Guy, magkakaroon ulit sila ng update para sa rescheduled dates ng mga naudlot na shows.
Related Chika:
Geneva umalma sa chikang mas kamukha raw si BB Gandanghari sa ‘YFSF’ kesa kay Madonna