NA-BAD trip ang veteran TV host- comedian na si Joey de Leon sa mga bashers na nambasag sa kanila nina Tito Sotto at Vic Sotto.
Hindi nagustuhan ng tinaguriang Henyo Master ang komento ng ilang netizens na matatanda na raw ang TVJ kaya mag-retire na sila at bigyan naman ng chance ang mga younger hosts.
Sa TVJ Facebook page, sinupalpal ni Joey ang nasabing hater, “O, ‘yang tatanda niyo na, pagbigyan niyo na ‘yung mga bata. Ito para sa ‘yo to. Ikaw pwede ka na palang ilibing.
“Tumahimik ka na. Ito may galit na ko e, kasi pakialamera o inggetera kayo,” pahayag ni Joey.
Patuloy pa niya, “Ang tao kung gustong gumalaw, pabayaan mong gumalaw. Kung gustong magtrabaho, pabayaan mong magtrabaho. Kapag nagkakaedad kayo, malalaman niyo ‘yan kapag tanda niyo.”
Baka Bet Mo: Tito Sotto hindi mangingialam sa time slot ng bagong programa sa TV5: Ang istasyon po ang bahala pagdating sa airtime
Katwiran pa niya, “Kaya ka nagtatrabaho pagtanda mo, hindi na para sa sarili mo ‘yon. Ito lecture lang to, para na ‘yan sa ibang tao, para na ‘yan sa pamilya mo, sa kamag-anak mo.
“Kaya ‘yung mga basher na sinasabing ‘Oy, pagbigyan niyo naman ‘yung iba,’ ulol! ‘Yan ang pwede kong sabihin sa ‘yo.
“Alam mo kapag naranasan mo ‘yung nararanasan namin na 44 years ha, nag-eenjoy kami, kung pwede lang mag-request ng another life para maranasan pa, ma-extend pa ‘yung enjoyment mo sa trabaho na ‘yon.
“Iba ‘yung trabaho namin, e. ‘Wag mong pakialaman ang tao kapag gustong magtrabaho,” aniya pa.
Hinihintay na ng sambayanang Filipino ang pagsisimula ng bagong noontime show ng TVJ sa TV5 sa darating na Sabado, July 1.
Hindi pa ina-announce kung “Eat Bulaga” pa rin ang gagamiting title ng iconic trio sa magiging programa nila sa Kapatid Network.
“We are definitely working on the legal side for ‘Eat Bulaga.’ Si Joey ang nag-imbento nu’n e. History and the law back us up. So therefore it may take some time, but we will be able to use ‘Eat Bulaga.’ I’m sure of that.
“Ngayon, paano sa July 1? Ang usapan namin kanina, isu-surprise namin kayo sa July 1,” ang pahayag ni Tito Sen.
Related Chika: