ISANG malaking kasaysayan ang sa Philippine noontime show ang pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at GMA para mas mapalawak pa ang pagpapalabas ng “It’s Showtime“.
Ngayong araw ay naganap ang contract signing sa pagitan ng mga big bosses ng Kapuso at Kapamilya network.
Present ang mga hosts ng “It’s Showtime” na sina Vice Ganda, Anne Curtis,Jhong Hilario, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpus, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, Ion Perez, Cianne Dominguez, MC Muah, at Lassy.
Hindi naman nakadalo ang dalawang pang hosts na sina Vhong Navarro at Karylle habang ang mga tumayong hosts ng makasaysayang event ay sina Iya Villania at Robi Domingo.
Labis naman ang pasasalamat ni President at CEO Carlo Katigbak sa pagtanggap ng Kapuso network sa “It’s Showtime”.
Hindi raw niya inaakala na matapos ang kanilang collab para sa teleseryeng “Unbreak My Heart” ay magkakaroon ng bagong partnership ang dating magkaribal na networks.
“Nung nabalitaan namin na gustong ilipat ang timeslot ng Showtime, tinawagan namin si Annette para pag-usapan ang posibilidad na mabigyan ng bagong tahanan ang aming programa. And after that, in just less than two weeks, we were again welcomed into your network,” saad ni Sir Carlo.
Baka Bet Mo: Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV
Hindi rin nakalimutan ng ABS-CBN executive na pasalamatan ang lahat ng hosts ng Kapamilya noontime show sa hindi nito pagbitiw at patuloy na pagbibigay saya ng mga ito sa madlabg people sa kabila ng mga nangyayari.
“Lahat po ito ay para sa inyo, Madlang People. Natutuwa kami na tuloy ang saya tuwing tanghali, na magkakasama muli ang mga Kapuso at Kapamilya sa Showtime,” mensahe ni Sir Carlo.
Samantala, naging mainit rin ang pagtanggap ni Atty Felipe Gozon sa Kapamilya madlang people.
Talagang sunud-sunod nga ang pagsasanib pwersa ng dalawa sa pinakamalaking network ng bansa mula sa pagkakaroon ng collaboration para sa teleseryeng “Unbreak My Heart”, sa pagpapalabas ng mga lumang pelikula ng ABS-CBN sa GMA, at ngayon naman ay ang pagpapalabas ng “It’s Showtime” sa GTV.
“Lahat ng yan, siguro puwede na nating sabihin ngayon, without fear of contradiction, na yung kumpetisyon, yung tinatawag ng mga media practitioner na TV war is finally over,” saad ni Atty. Gozon.
Dagdag pa nito, “Malugod naming tinatanggap ang popular program na It’s Showtime at ang magaganda at maraming talents na bumubuo nito, na pinangungunahan ni Vice Ganda. At hindi lamang iyon, nagagalak din kami na pinili ng ABS-CBN na ilipat ang programang ito sa GTV.”
At sa pagsasama ng dalawang media giants ay paniguradong ang publiko ang makikinabang dahil mas marami pa silang mapapanood na programang paniguradong magbibigay saya at pag-asa sa publiko.
Simula nga sa Sabado, July 1, mapapanood na sa GTV ang “It’s Showtime” at abangers na nga ang madlang people kung ano ang magiging pasabog nina Vice sa araw na ito.