Identical na identical ang blue gown na isinuot ni Miss World Megan Young nang mag-guest siya sa Sunday musical show ng GMA sa asul na gown na suot naman ni Julie Anne San Jose nang mag-concert ito sa Music Museum.
One website noticed it and made a short article about it, even posting Julie’s concert and Megan’s SAS guesting para ipakita sa netizens ang pagkakahawig ng gown ng dalawa.
Ilang buwan na ang nakakalipas nang suotin ni Julie Anne ang gown kaya obvious na si Megan ang nagsuot uli ng katulad na disenyo ng gown. Bakit kaya nangyari ito? Hindi ba sinabihan si Megan ng designer na the same gown was worn before?
Nagtipid ba ang designer at gumawa na lang na kaparehong gown dahil hindi na siya mag-aabala pang mag-design?
Napapansin lang namin, lately ay parang maraming designs ang kuhang-kuha sa trabaho ng ibang designers.
Usung-uso na ang kopyahan ngayon sa design? Ang nakakaloka, parang wala namang nagrereklamo kahit na lumalabas na parang copycat lang ang mga isinusuot ng damit ng mga celebrities.
‘Yung ibang dress na nakikita namin na naka-post sa iba’t ibang website na may look-alike na damit or gowns ay halatang parehong-pareho ang tabas.
Naku, ang celebrity ang unang napapansin kapag may katulad siyang suot na damit at hindi ang designer kaya ang mga artista ang napupulaan kaagad. Is there a way to stop this look-alike dress shenanigans?
( Photo credit to INS )