Sure na raw: JENNYLYN, LUIS hiwalay na


BREAK na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano. This time, it’s for real na raw according to a popular blogsite.
Teka, hindi ba’t parang ilang araw pa lang ay nag-sorry pa si Darla Sauler (writer ni Kris Aquino sa Kris TV) sa naibalita niyang hiwalay na ang couple na ito?

Although blind item ang pagkakasulat, obvious naman na sina Jen at Luis ang tinukoy ni Darla sa isang item niya recently wherein sinulat niyang hiwalay na ang isang Kapamilya actor sa kanyang sexy TV host girlfriend.

Another clue that he gave ay ang pagkakaroon ng “super famous mom ni Kapamilya actor” which was obviously referring to Vilma Santos.

Nakausap pa ni Darla over the phone si Luis who denied na break na sila ni Jen. Magkasama pa  nga silang umapir sa Aliw Awards noong Oct. 8.

Ayon sa isag blogsite, noong Monday nag-break sina Luis at Jen at this time ay totoo na ito. Dagdag pang chika, hindi raw kagandahan ang paghihiwalay ng dalawa.

Actually, nagsalita na si Luis kay Darla, pero hindi na ito nagdetalye pa. “We want to keep things private na lang,” Luis told Darla. So, there.

( Photo credit to Google )

Read more...