2 anak ni RAYMART nagdurusa na ngayon; mga magulang nina CLAUDINE at GRETCHEN sinisi pa


Maraming kababayan natin ang nagpaparating ng kanilang mensahe kay Claudine Barretto. Hinayang na hinayang daw kasi sila sa kinahinatnan ng buhay at karera ng aktres, sino raw ba ang mag-aakalang sa ganito pala mauuwi ang kanyang kapalaran, bakit daw ba sinayang pa ng aktres ang mga oportunidad na hawak-hawak na niya nu’n?

Sabi ng isang nakakuwentuhan namin, “Parang nasa fighting mood siya, parang nagpaparami siya ng kalaban, inaaway niya ang lahat ng mas nakaiintindi kay Raymart (Santiago). Tama ba ang mga ginagawa niya?

“Ang parents naman kasi nila, e, nakialam pa, kaya ayan tuloy, lalong lumaki ang gulo sa pagitan ng mag-asawa. Mas lumakas kasi ang loob ni Claudine, meron kasing kumakampi sa kanya, may nagtatanggol sa mga pinaggagagawa niya!” opinyon ng aming kausap.

Punto naman ng isa pa, kung hindi na niya mahal si Raymart at pakikipaghiwalay lang ang dahilan ng lahat ng mga pinaggagagawa ngayon ni Claudine, sana raw ay pahalagahan niya naman ang kanilang mga anak na nagdurusa sa mga nangyayari ngayon.

“May pagka-selfish din si Claudine, e, dahil kung mahal niya ang mga anak nila ni Raymart, di sana, hindi na niya inakusahan ng kung ano-ano ang husband niya?

Nakakahiya ang mga kuwento tungkol sa kanya, naglabasan tuloy lahat ‘yun, kaya siya ang mas napapahiya ngayon.
Hinihintay ng mga taong malapit sa mag-asawa ang panahong maayos na lang nilang pag-uusapan ang kanilang mga problema, hindi na sila magsusumbong sa korte, at hindi na rin sila magbabatuhan ng putik sa harap ng publiko.

Harinawa. Sana nga ay ganu’n na lang ang maging pagtatapos ng kaliwa’t kanang problemang kinakaharap ngayon ng mag-asawa.

( Photo credit to Google )

Read more...