KZ Tandingan nahirapan nang bongga bilang coach sa ‘The Voice Kids’: ‘This is gonna affect on how I’m going to be a mother’

KZ Tandingan nahirapan nang bongga bilang coach sa 'The Voice Kids': 'This is gonna affect on how I'm going to be a mother'

KZ Tandingan

NAPAKAHIRAP pala para kay KZ Tandingan ang maging isa sa mga coach ng reality singing search ng ABS-CBN na “The Voice Kids Philippines” season 5.

Hindi raw naging madali para sa kanya ang journey ng pagiging coach sa mga batang nangangarap maging magaling at sikat na singer at performer sa entertainment industry.

Isa raw sa naging challenge para sa kanya bilang coach ay kung paano ipapaliwanag ang mga technical terms para sa tamang paghinga at iba pang istilo at paraan ng pagkanta for different songs.

“It was hard for me emotionally na paano mo ie-explain sa kanya, you just can’t sa technical terms kasi hindi naman maiintindihan ng bata, you really have to be visual about it,” pahayag ni KZ sa panayam ng ABS-CBN.


Aniya pa, “That was the hardest part of the entire of the season talaga, ‘di ba nag-audition kami and you were begging for us to choose you and then pagdating sa dulo ‘di mo ako pipiliin, di ba?”

Bukod dito, kailangan din daw maging maingat sila sa pagbibigay ng komento sa bawat batang contestant sa “The Voice Kids.”

Baka Bet Mo: Bakit ayaw pang magkaroon ng baby nina KZ Tandingan at TJ Monterde?

“Sobrang nipis nu’ng line between criticizing the kids na mage-gets niya, ayaw mo rin naman na mag-lie sa bata, sabihin mo na magaling kahit na kailangan ng advice.

“I actually told the prod na ‘you know what, this is gonna affect on how I’m going to be a mother’ or hindi kasi hindi ko po talaga kakayanin, ganito pala ‘yung pakiramdam na magulang ka,” paliwanag pa ni Asia’s Soul Supreme.


Nang matanong kung game pa rin ba siyang umupong coach sa naturang talent search, “I would love to do it again but I would love to take some time to take a break emotionally kasi ‘yung unang salang namin sa ‘The Voice’ kids agad.”

Bukod kay KZ, ang dalawa pa niyang nakasama bilang coach sa “The Voice Kids Philippines” season 5 ay sina Martin Nievera at Bamboo.

KZ Tandingan wala pang planong magka-baby; may mga panahong matagal na nawawalay sa asawa

Bwelta ni Bea sa mga bashers: I know na wala akong tinapakang tao…

Read more...