Pang-iisnab ni Barbie Imperial kay Sharon Cuneta fake news: ‘I haven’t even seen you in person…’

Pang-iisnab ni Barbie Imperial kay Sharon Cuneta fake news: 'I haven't even seen you in person…'

Barbie Imperial, Sharon Cuneta

HINDI naman pala totoo ang kumakalat na isyu sa pagitan ni Megastar Sharon Cuneta at aktres na si Barbie Imperial.

Kamakailan lang kasi ay kinukuyog ng bashers ang aktres dahil umano sa pang-iisnab niya sa batikang singer.

Nanggaling na mismo kay Sharon na fake news ang mga balitang ito dahil hindi pa raw sila nagkikita ni Barbie.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ng aktres ang naging mensahe sa kanya ng Megastar.

Sinabi sa kanya ni Sharon na nalaman niya ang “snubbing issue” dahil naikuwento ito ng isang kaibigan.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Humingi pa nga ng tawad ang singer at sinabing wala namang nagawang masama sa kanya si Barbie

“Hi Barbie! A friend of mine just told me today that you have been getting some flak for supposedly snubbing me? I am so so sorry you have to go through this,” mensahe niya.

Sey pa niya, “I haven’t even seen you in person as far as I can remember! You have done nothing wrong.”

Hiling pa ni Sharon na sana ay magkita rin silang dalawa sa personal.

“I hope to meet you someday! Please be strong and remember I have no idea where this issue came from either! God bless you – and I hope you don’t mind my posting this on your comments. Take care!,” lahad ng singer.

Nag-reply naman agad ang aktres at ito ay nagpasalamat kay Sharon.

Sey ni Barbie, “Thank you Ms. Sharon! [heart emojis].”

Ibinahagi rin ni Sharon sa kanyang IG Story ang naging mensahe para sa aktres at sinabi na sana ay maging malinaw na ang kontrobersya sa pagitan nilang dalawa.

Ayon sa caption ng singer, “I hope it clears us that issue! [heart, folded hands emojis]”

Related Chika:

Read more...