Mga marino may ‘libreng sakay’ sa MRT-3, LRT-2 ngayong June 25
PAGSAPIT ng June 25, magkakaroon ng libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)!
Pero ‘yan ay para lamang sa Pinoy seafarers o mga marino.
Ayon sa Facebook post ng MRT-3, ang free rides para sa mga marino ay magsisimula ng 5:30 a.m. hanggang matapos ang operasyon ng kanilang istasyon.
At para ma-avail ito ay kailangan lang ipakita ang Seafarer’s Identification at Record Book (SIRB) o Seafarer’s Identity Document (SID).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay bilang pakikiisa sa “Day of the Filipino Seafarer” na taunang ipinagdidiwang ng Maritime Industry Authority (MARINA).
Baka Bet Mo: DOTr maghihigpit ng seguridad sa MRT-3 matapos tumalon ang isang pasahero
“Kinikilala po ng MRT-3 at DOTr ang malawak na kontribusyon ng ating seafarers sa pagsusulong ng ekonomiya ng bansa,” sey sa inilabas na pahayag ng DOTr.
Ani pa, “Kaya naman sa simpleng paraan tulad ng LIBRENG SAKAY, nais nating iparamdam ang ating pagsaludo at pagbibigay-pugay sa kanilang mga sakripisyo.”
Katulad ng MRT-3, inanunsyo rin ng LRT-2 ang kanilang libreng sakay para sa mga marino.
Ang kaibahan lamang ay piling oras lang pwedeng ma-avail ang free rides.
Ayon sa kanilang Facebook post, magsisimula ito ng 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at meron din pagdating ng 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.
Read more:
Pasahe sa LRT nagbabadyang tumaas matapos aprubahan ng LTFRB
PAALALA: Pagpaparehistro ng SIM cards hanggang July 25 ang deadline
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.