MAKALIPAS ang tatlong taon, muling binalikan ng aktor na si JC Santos ang kanyang first love pagdating sa karera –ang pagiging theater actor.
Bida siya sa restaging ng Tony-winning play na pinamagatang “Red.”
Gagampanan niya ang karakter bilang expressionist painter na si Mark Rothko.
Nakapanayam ng INQUIRER si JC at ikinuwento niya kung bakit “Red” ang napili niyang comeback gig sa theater.
“Oh man, I love this,” sey niya.
Paliwanag niya, “When I read this 10 years ago, I said I wanted to do this.”
“I didn’t see the original production, I just read the material. Then I saw Bart in tapings, and I told him, ‘Tara, let’s do this … it’s time,” chika pa niya.
Ayon pa kay JC, ang pagsabak niya sa pagta-teatro ang naghahasa sa kanyang acting skills.
Baka Bet Mo: Asawa ni JC Santos walang reklamo sa pakikipag-love scene niya sa pelikula: I think hindi naman siya nao-offend
Sambit ng aktor, “Kailangan mo din siyang gawin… it’s part of the job [as an actor].”
“Inevitable ang pagsikat. You don’t work hard para sumikat, you just work hard and it’s just going to happen,” dagdag niya.
Aniya pa, “My take is to just stay grounded; that’s why I always go back to the theater because it always pulls me back to the ground.”
“Theater is my software update. It sharpens me. It’s my whetstone and I’m glad I’m back,” saad pa niya.
Samantala, inamin ni JC na tila nahirapan siya sa kanyang karakter bilang painter.
Kwento niya, inabot siya ng tatlong buwan upang mapag-aralan ito dahil malayong-malayo ang kanyang karakter sa kanyang personality.
“It took me three months,” lahad niya.
Patuloy pa niya, “Ken’s character is really far from my character, my personality as a person—I have to shout and get mad.”
“As an actor, I’m glad I unlocked something in there, but every time I do, it’s just so tiring,” ani pa ni JC.
Related Chika:
Pia ibinandera ang ultimate dream: Wag kayong tatawa…gusto ko talagang maging theater actress!