Filo Swifties bigo sa inilabas na ‘Eras Tour’ schedule, kinalampag si Taylor Swift

Filo Swifties bigo sa inilabas na 'Eras Tour' schedule, kinalampag si Taylor Swift
MASAMA ang loob ng mga Filo Swifties matapos lumabas ang bagong concert schedule ng Eras Tour ni Taylor Swift.

Ngayong araw ay naglabas ng bagong schedule para sa kanyang world tour ang international singer sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

“EXCUSE ME HI I HAVE SOMETHING TO SAY. I can’t wait to see so many of you on The Eras Tour next year at these new international dates!” pagbabahagi ni Taylor.

Ngunit bigo na naman ang Filo Swifties dahil wala ang Pilipinas sa mga bansang pupuntahan nito sa Southeast Asia at ttanging Japan at Singapore lang ang mga nakasama sa bagong schedule.

Kaya naman kanya-kanyang rant ang mga ito lalo na sa Twitter upang kalampagin na rin si Taylor.

Ang Pilipinas kasi ang isa sa nga may pinakamataas na record ng streams ng “You Belong With Me” singer kaya masama talaga ang loob ng mga ito na wala ang Pilipinas sa listahan.

Baka Bet Mo: Jake Zyrus nadamay sa “All Too Well” ni Taylor Swift

“FILO SWIFTIES TO TAYLOR: DO SOMETHING BABE SAY SOMETHING LOSE SOMETHING BABE RISK SOMETHING CHOOSE SOMETHING BABE I GOT NOTHING TO BELIEVE UNLESS YOU’RE CHOOSING ME!!!!!” tweet ng isang fan na base sa lyrics ng kanyang kantang “You’re Losing Me”.

Saad naman ng isa, “tiktok swifties tigil niyo na pagiging delulu niyo dahil lang sa walang ganap si taylor sa month ng april. if you have the means to watch the eras tour sa sg, then plan ahead. wag na kayo mag abang ng iba pang announcement dahil atp lotlot na talaga ang pinas sa eras tour.”

“KEEP GOING FILO SWIFTIES!!! Maririnig din ni Mareng Taylor ang mga hinaing ng mga api chz,” sey naman ng isa.

“Oh.. Philippines… The land where the most @taylorswift13 streams in Asia, 2nd only to US in the whole world, is from; and where so many individuals appreciate and support her so much, suffered like this. Condolence to filo swifties wanting to attend sadd @taylornation13,” malungkot na sabi ng isa pa.

Kanya-kanya ring espekulasyon ang iba kung bakit sa kabila ng malaking bilang ng mga nagmamahal at sumusuporta kay Taylor sa Pinas ay hindi nito magawang mag-concert rito.

“Reminder that Coldplay had to reduce their stage bc Philippines don’t have logistics. Taylor’s stage is bigger and her sets take more time to prepare than a guy running around the stage. Filo swifties deserve a tour, but this isn’t Taylor’s fault,” sey ng isang netizen.

“Similar capacity but different configurations. The usable floor space in the PH Arena cannot accommodate her stage. And even if they shorten the stage, it will occupy the whole of the floor, rendeirng it unsellable,” dagdag pa ng isa.

Samantala, marami pa rin ang nagdarasal at nananalig na diringgin ni Taylor ang sigaw ng Filo Swifties lalo na’t bakante ang buwan ng Abril sa inilabas niyang schedule.

Related Chika:
Taylor Swift may bagong ka-date, nababalitang ‘madly in love’ kay Matty Healy ng The 1975

Taylor Swift, Joe Alwyn naghiwalay na makalipas ang 6 years na relasyon?

Read more...