Dennis Padilla nakatanggap ng Father’s Day gift mula sa mga anak pero walang greetings, anyare?

Dennis Padilla nakatanggap ng Father's Day gift mula sa mga anak pero walang greetings, anyare?
MAY lungkot pa ring nadarama ang aktor at komedyanteng si Dennis Padilla nitong nagdaang Father’s Day.

Sa kabila raw kasi ng pagpapadala ng pagkain ng kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto bilang regalo ay hindi man lang daw ito bumati sa kanya.

Ayon sa latest vlog na in-upload ng talent manager na si Ogie Diaz, naikuwento niya na ayon kay Dennis ay nag-reach out sa kanya ang mga anak sa pamamagitan ng pagpapdala ng pagkain.

Ngunit ang kaisa-isang pagbati raw na hinahangad ng komedyante ay hindi nito nakuha.

“According to Dennis, hindi siya binati ng kanyang mga anak nitong Father’s Day. Buong araw daw siya naghintay pero nagpa-deliver naman ng food ang magkakapatid pero walang ni kapirasong greeting or note para batiin siya ng ‘Happy Father’s Day’,” pagbabahagi ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Yung note or message daw yung kanyang inaasahan kaysa sa anumang bagay.”

Baka Bet Mo: Julia, 2 pang kapatid may isyu na naman kay Dennis; dedma sa Father’s Day

Ayon pa raw sa ama nina Julia, hindi ito magsasawang maghintay hanggang dumating ang pagkakataon na kausapin na siya ng mga anak.

“Sabi nga ni Dennis, ‘Pare, matanda na ako. Sana mapagbigyan ako ng mga anak ko’,” lahad pa ni Ogie.

Samantala, ibinahagi naman ng actor-comedian sa kanyang Instagram page ang isang throwback photo nilang magkakasama pati na rin ang isang quote patungkol sa pamilya.

“No family is perfect. We argue, we fight, we even stop talking to each other at times but in the end, family is family. The love will always be there,” ayon sa quote na ibinahagi ni Dennis.

Kamakailan lang ay nag-trending ang emosyonal na pagkikita nilang muli ni Claudine Barretto sa binyag ng anak ng huli na sina Quiaat Noah.

“I miss you, Kuya,” saad ni Claudine kasabay ng mahigpit na pagyakap sa kanyang kuya-kuyahan at dating asawa ng nakatatandang kapatid na si Marjorie Barretto.

Related Chika:
Claudine Barretto emosyonal nang muling makita si Dennis Padilla: I miss you, Kuya!

Dennis Padilla apektado sa open letter ng anak: I am sorry Leon, miss ko lang kayo…

Read more...