Ice Seguerra emosyonal matapos tawaging ‘papa’ ng stepdaughter: ‘It made my day more special!’

Ice Seguerra emosyonal matapos tawaging ‘papa’ ng stepdaughter: ‘It made my day more special!’

PHOTO: Instagram/@iceseguerra

TILA naging emosyonal ang OPM icon na si Ice Seguerra nitong Father’s Day.

Ito ay matapos siyang makatanggap ng mensahe mula sa kanyang stepdaughter na si Amara, ang anak ng kanyang misis na si Liza Diño.

Sa Instagram account ni Ice, proud niyang ibinandera ang sweet message sa kanya ng anak kalakip ang ilang litrato na ipinapakita ang special moments nilang pamilya.

“Happy father’s day to my papa,” pagbati ni Amara.

“I hate to think some people think you’re just my stepdad. You have raised me and molded me into the great girl I am today,” wika niya.

Baka Bet Mo: Celebrity moms proud na ibinandera ang tatay ng mga anak ngayong Father’s Day

Mensahe pa niya, “Thank you for always raising my standards in men (and relationships in general) and teaching me to never settle.”

Bukod diyan, inilarawan din ni Amara na “inspiring” ang relasyon ng kanyang mga magulang sa kabila ng mga hamon nito sa buhay.

“Watching you and mama love each other despite every challenge in life is so inspiring. Thank you for being the one for my mom,” lahad ni Amara.

Dagdag pa niya, “Despite her everything, despite mine, you are our peacemaker. I love you and [your] 10 hours naps everyday dad.”

“Thank you for being with me through everything. I’m so proud to be your daughter,” aniya pa.

Talaga namang kinaantigan ni Ice ang mga sinabi sa kanya ng anak at sinabi niyang mas naging espesyal ang pagdiriwang niya ng Father’s Day.

“My heaaaart [heart eyes emojis] Thank you for making this day more special. I love you, Amara,” sey ni Ice sa IG.

Kung maaalala, August 2014 nang mag-come out bilang transgender si Ice.

Kinasal sila ni Liza sa parehong taon sa California.

Related Chika:

Read more...