Andrea patuloy na makikipaglaban para sa mga karapatan ng LGBTQ: ‘Gustung-gusto ko po talagang maging gay icon’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Andrea Brillantes
UMAASA ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na kahit paano’y may naiiambag din siya para sa mga ipinaglalaban ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Sabi ng dalaga, habang tumatagal ay mas lalo pang tumataas ang kanyang pagrespeto sa mga beki at lesbian dahil na rin sa pagiging bukas niya sa mga isyung may konek sa gay community.
Naging mas malawak din ang kaalaman niya sa mundo ng mga drag queen dahil sa pinagbibidahan niyang iWantTFC digital series na “Drag You & Me” na tumatalakay sa makulay at masalimuot na drag queens.
“I think po ‘yung opinion ko kasing-halaga lang ng opinyon at pagsuporta ng kahit na sinong tao,” ang pahayag ni Andrea sa panayam ng ABS-CBN.
“Pero I think mas marami po akong influence kasi mas maraming makikinig, mas maraming makaka-realize,” aniya pa.
Ayon pa sa dalaga, super thankful siya na nabigyan ng isang platform kung saan mas maipakikita niya ang kanyang pagmamahal at suporta sa LGBTQIA+ community.
“Thank you po sa Dreamscape (Entertainment) at naisip nilang makagawa ng ganitong klaseng series para mas matanggap na sana tayo ng mga taong hindi pa tayo tinatanggap, at mas matutunan lang nila kung ano ba talaga ang buhay ng pagiging drag queen.
“Walang masama sa pagiging drag queen, na pwede kang magmahal kung sinong gusto mong mahalin. Mga tao lang kami talaga na mahilig lang mag-perform, mahilig lang sa art.
“Kasi for me drag is a form of art po eh, pagri-release ng artistic side mo,” pahayag pa ni Andrea.
Sabi pa niya sa isang panayam, “Gustong-gusto ko talagang maging gay icon, bilang parte ako ng community na ‘to at ally din ako. Siyempre it’s an honor, sobra talaga.”
“Kasi lumaki po ako with my mom, lahat ng friends ay parte ng community na ito at maaga akong nagtrabaho, na-expose ako sa community na ‘to kasi sa industriya kong ‘to ang dami natin dito.
“Sila ‘yung naging best friends ko, sila ‘yung nagturo sa akin ng pag-aawra, pag-gay lingo. Kumbaga binuild nila kung sino ako ngayon. ‘Yung personality na meron ako ngayon, dahil din sa kanila, and to be able to represent this, sa generation sobra akong nagpapasalamat,” aniya pa.
Kasama rin ng aktres sa “Drag You & Me” sina Christian Bables, JC Alcantara, Ice Seguerra, Romnick Sarmenta, Jon Santos, KaladKaren, Brigiding, Cris Villanueva, Amy Nobleza, Noel Comia, Jr., at Xilhouete.
Ito ay sa direksyon ni JP Habac, at napapanood tuwing Biyernes ng gabi sa iWantTFC.