Banta ng stampede sa mall show ni COCO pinaghandaan na ng ABS-CBN


PARANG nakikinita na naman namin na isasara ang Trinoma Mall sa Sabado, Okt. 19 dahil hindi kakayanin ng mga security guard at marshal ang mga pupunta sa gaganaping engrandeng pasasalamat nina Coco Martin para sa fantaseryeng Juan dela Cruz.

Tanda kasi namin dati, nang ginanap ang mall show ng Walang Hanggan sa labas ng Trinoma ay hindi talaga kinaya ng mga security personnel ang dagsa ng mga tao sa activity center ng mall kaya muntik nang magkagulo.

At kung hindi rin kami nagkakamali ay nakaantabay talaga ang mga bumbero at ilang  ambulansiya sa lugar  dahil sa rami ng taong dumalo para lang makita ang cast ng Walang Hanggan headed by Coco.

At dahil tag-ulan ngayon kaya sa activity center ng Trinoma gaganapin ang “Juan Fun Day: The Juan dela Cruz Grand Fans Day”, 5 p.m. at bukod kay Coco ay join din sina Zsa Zsa Padilla, Gina Pareño, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, Arron Villaflor, Neil Coleta, John Medina, Louise Abuel, John Regala at Eddie Garcia.

Makikibahagi rin sa selebrasyon ang ilan sa pinakamahuhusay na singer sa bansa na umawit ng mga kanta sa volume 1 at 2 ng Juan dela Cruz album.

( Photo credit to Google )

Read more...