KUNG yung lindol na yumanig sa Bohol, Cebu at ibang lugar sa Kabisayaan ay nangyari sa Metro Manila, mas marami ang nasawi at mas malaki at malawakan ang sira sa kagamitan.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction Monitoring Center (NDRRMC) as of yesterday afternoon, 150 na ang namatay at daan pa ang nasugatan sa lindol sa Kabisayaan.
Noong Pebrero 8, 1990, isang 6.9-magnitude earthquake ang yumanig sa Metro Manila at ibang parte ng Luzon at gumuho ang school building sa Cabana-tuan City na naging sanhi ng kamatayan ng mara-ming estudyante, nagpatumba ng first class hotel sa Baguio City na nagbaon ng maraming guests at nagsanhi ng paglubog ng downtown Dagupan City by several meters.
Dapat ay humanda ang mga taga Metro Manila at ibang panig ng Luzon sa malaking lindol na nangyari sa Bohol at Cebu.
Isa sa mga gusaling tiyak na guguho ay yung tinata-yong five-story structure sa Santolan Road, Quezon City.
Ang gusali ay nabigyan ng permiso para sa dalawang palapag lamang, pero dinagdagan ng may-ari ng tatlo pang palapag ng walang supervision ng isang civil engineer.
Mga construction workers lamang ang nagtayo ng gusali na walang engineer.
Marupok ang pagkakatayo ng gusali.
Kapag malakas ang lindol ay babagsak ito sa mga karatig bahay sa squatters neighborhood sa Santolan.
Maraming mamamatay na tao kapag gumuho ang gusali sa masikip na lugar.
May nakapagsabi sa inyong lingkod na may kamag-anak sa Quezon City Hall ang may-ari ng gusali kaya’t patay-malisya si Mayor Herbert Bautista sa mga pagbabatikos sa pagtatayo ng marupok na building.
May bagong modus operandi kung paano kikita ang mga pulis na miyembro ng Highway Patrol Group-7 sa Cebu: Hulihin ang mga sasakyan na expired stickers, i-impound ang mga ito at pagbayarin ng P200,000 kada isa ang mga may-ari upang ma-release ang mga ito.
Sasabihin na “for verification” ang pag-impound ng kotse na tatagal ng ilang linggo at dili kaya buwan kapag hindi naglagay ang may-ari.
Ang Cebu Daily News, noong Oct. 12 issue, ay nag-ulat na isang 24 anyos na negosyanteng babae na si Jane Katherine O ang binakalan ng P200,000 ng HPG-7 operatives upang mai-release ang kanyang kotse. Ito’y tunay na carnapping dahil nagsisilbing ransom ang binabayad para sa kotseng na-impound.
Ilang negosyante ang pumunta ng Maynila at nagreklamo sa inyong lingkod tungkol sa nasabing modus operandi ng mga miyembro ng HPG-7.
Nireklamo nila sina Senior Insp. Joselito Lerion, PO2 Romeo Guirigay, PO1 Alex Bacani, PO1 Jonard Dagangan, PO1 Edwardson Masanque at PO1 Erlando Metante Jr.
Nireklamo din ng mga negosyante si Supt. Romualdo Iglesia ang chief ng HPG-7 na walang ginawa sa kanilang reklamo laban sa kanyang mga tauhan.
Yan ang dahilan kung bakit pumunta sila sa Maynila upang all the way from Cebu dahil walang ginawa si Iglesia.
Agad kong tinawagan ang tanggapan ni Director General Alan Purisima, Philippine National Police chief, at nakausap ko si Senior Supt. Guillermo Eleazar.
Sinabi ni Eleazar na ipararating niya ang reklamo kay PNP chief Purisima.