Sharon, Alden sumabak na sa ‘familiarity workshop’ para sa ‘A Mother’s Son Story’, hirit ng mga Sharonian: ‘Siguradong paiiyakin tayo nito’

Sharon, Alden sumabak na sa 'familiarity workshop' para sa 'A Mother’s Son Story', hirit ng mga Sharonian: 'Siguradong paiiyakin tayo nito'

Sharon Cuneta at Alden Richards

NAGANAP na ang familiarity workshop nina Sharon Cuneta at Alden Richards kahapon, Hunyo 12 sa opisina ng Cineko Productions sa Quezon City sa pamamahala ng aktres na si Ina Feleo.

Nang malaman ni Ina na sina Sharon at Alden ang iwo-workshop niya ay natuwa siya at tila nag-alangan pa nang marinig ang pangalan ng aktres dahil nga malaking artista na ito.

Anyway, “A Mother’s Son Story” ang titulo ng pelikulang pagsasamahan ng Megastar at ni Alden mula sa script ni Mel del Rosario na ididirek naman ni Nuel Naval under Cineko Productions.

Kung walang pagbabago ay sa Hunyo 20 na ang first shooting day nina Mega at Alden.


Samantala, isa pala sa matagal nang wish ng Kapuso actor ay ang makatrabaho si Sharon kaya nang ialok ito sa kanya ay kaagad nitong tinanggap.

Komento ng netizen na si @rfj_ootd ng i-post ni Shawie ang larawan nila ni Alden, “Waaahhhh super excited for this! I remember Alden said before that he really wants to work with Ms Sharon.”

Sumang-ayon naman ang isa pang Alden supporter na si @gielynpagquil1001, “@rfj_ootd tamang-tama talaga ang qoute na pinaniniwalaan nya sa nangyayare sa buhay nya ngayon.”

Baka Bet Mo: Gusto n’yo bang sumunod sa yapak nina Coco, Joshua, Arjo, Paulo, Jane at Janella?

Say naman ni @awitangie, “Wow swerte ni Alden makapareha pa nya ang Megastar. Hindi lahat nabibigyan ng opportunity to work with her and swerte din ni Mega kahit mga bagets na SIKAT nakakasama pa nya sa movie.”

Maging ang Megastar ay looking forward ding makatrabaho ang nananatiling Box-office King ng GMA 7 dahil wala pa ring tumatalo sa malaking kinita ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 kasama ang Box-office Queen ng ABS-CBN na si Kathryn Bernardo.

Anyway, nag-post si Sharon ng mga larawan nila ni Alden kasama sina Mel, Ina at direk Nuel sa kanyang Instagram account nitong Lunes ng hapon.


Ang caption ni Mega ay, “My latest movie is under Cineko Productions and Direk @directfromncn with a script by Mel Del Rosario – co-starring my new movie son, the one and only @aldenrichards02 !!!

“In photo are all of us and Workshop Facilitator (and girl with awesome pedigree – her mom is Direk Laurice Guillen and her dad is the late Johnny Delgado!) Ina Feleo! Thank You Lord for a great project! Super excited!!!” aniya pa.

Unang nag-comment dito ang aktres na si Jackie Lou Blanco na kasama rin sa “A Mother’s Son Story”, “Yey, Mama!!” na sinagot naman ni Shawie ng, “@jackielou.blanco Mama, niiiiice!!!”

Inaabangan na rin ang pelikulang ito ng supporters ni Sharon, tulad ni @ocampojoella, “Ang pagbalik ng nag iisang MEGASTAR boxoffice queen na d kayang pantayan sya lang Ang me hawak na title na hall of Fame box office queen.”

Say din ni @velascotrix, “Ang matagal n pinakahihintay ay natupad din sa wakas. Sobrang saya nming mga loyal sharonian at makikita ka ulit s big screen.”

May tanong naman si @macoyski, “Mega-mom, parang pang leading lady ka pa ni Alden.”

Tanong din ni @gens_maileen, “May I ask po, who is your leading man in this movie?”

Paghahandaan na ni @rfj_stark ang pelikula, “Excited for this! Alden as Ms. Sharon’s son. Magre-ready na po ba kami ng tissue? Want a heavy drama movie for them!”


Sabi pa ng isa sa supporter ni Alden na si @aldenaticsqc_, “We are so excited to see this film! Siguradong paiiyakin tayo nito.”

Natuwa rin si @aldentrendsetterofc, “Awww! Another dream come true for our dear ALDEN! We’re super excited already! Thank you so much for sharing the snaps, Ms. Sharon. Can’t wait for your movie!”

Mula kay @reallysantyilag, “Yehey! Finally, another movie this year with the pambanaang Bae. Can’t wait to see this in Cinemas.

Ang supporters din ni Sharon na sina @gens_franchesca.nicole, “OMG!! We can’t wait for this movie to come!

Ang tarush ni Alden, huh! Bukod kay Mega ay natupad din ang isa pa sa wish niya, ang makasama rin si Julia Montes sa pelikula.

Natapos na nilang i-shoot ang “Five Break-ups and A Romance” at ngayon naman ay sisimulan na niya ang movie nila ni Mega. Maswerte talaga ang 2023 sa prime artist ng GMA 7.

Gusto n’yo bang sumunod sa yapak nina Coco, Joshua, Arjo, Paulo, Jane at Janella?

Zeinab Harake sumabak sa acting workshop, tuluyan na nga bang papasukin ang showbiz?

Read more...