EXCLUSIVE: Kaladkaren balak magpakasal sa 2024, ano nga ba ang sikreto sa matagumpay na LDR?

EXCLUSIVE: Kaladkaren balak magpakasal sa 2024, ano nga ba ang sikreto sa matagumpay na LDR?

PHOTO: Instagram/@kaladkaren

MATAPOS ang tatlong taong engaged, plano nang magpakasal ng award-winning actress na si Kaladkaren o Jervi in real life sa kanyang British fiancé na si Luke Wrightson sa susunod na taon.

‘Yan ang ibinunyag mismo ni Kaladkaren sa exclusive interview ng BANDERA in collaboration with PREEN.PH kamakailan lang.

“Wala pa kaming exact date! Pero sana next year na kapag naayos ko siya sa mga kaguluhan ng schedule ko ‘no,” pagbubunyag ng aktres.

Gayunpaman, nilinaw din ng komedyana na hindi sila nagmamadali pagdating sa pagpapakasal dahil pinaplano pa nila ito nang mabuti.

Sey niya, “Pero we’re not in a rush. Parang when we got engaged, iniisip naman namin na what is it there to rush ‘diba.”

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kaladkaren pangarap maging bold star, superhero; Bet maka-kissing scene sina Enchong, Gerald, Ian

“You have to enjoy the moment, to live the moment. We’re really planning and be wanted to be the best day of our lives,” saad pa niya.

Nang tanungin naman namin si Kaladkaren kung ano ang sikreto sa likod ng kanilang matibay na relasyon, lalo na’t nasa long distance relationship (LDR) sila.

Ang sagot niya, “you just have to stay true to yourself and you have to have open communication with your partner.”

Kwento pa niya, “I’m always open to him. Pag may ayaw ako, pag may gusto ako or little things…We have to be honest to each other kung ano ‘yung mga nararamdaman namin and you always have to compromise.”

“Hindi lang ‘yung ikaw lang ang masusunod, dapat pareho kayo,” ani pa ni Kaladkaren

Kung gusto niyo pang kilalanin at alamin ang iba pang kaganapan sa buhay ni Kaladkaren, pwede niyong bisitahin ang Preen.ph upang basahin ang kanyang istorya na may titulong “Reintroducing Kaladkaren, as herself.”

Isa itong special coverage ng Preen.ph na handog ngayong Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month.

Related Chika:

KaladKaren mas bet ang ‘dilig’ kaysa korona, nagsalita ukol sa MIQP 2023

Read more...