Miss Trans Global 2020 Mela Habijan super relate kay ‘Little Mermaid’, may panata sa La Union tuwing Pride Month
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Mela Habijan
MAY sinusunod palang “tradition” ang Miss Trans Global 2020 and “Sparks Camp” host na si Mela Habijan sa pagbubukas ng Pride Month tuwing Hunyo.
Ito ay ang pagtungo niya sa kanyang favorite spot, ang La Union, kung saan siya nagse-surfing.
Sa kanyang Instagram post Habijan welcomed the Pride Month by posting two photos near the sea.
“WE, LGBTQIA+ PEOPLE, ARE PART OF YOUR WORLD!” say niya sa caption.
“For the last 5 years, I open Pride Month with @surftownpride in Elyu — near the sea,” she revealed.
She also admitted that she “once identified with Ariel”, one of the most popular characters in Disney’s “The Little Mermaid.”
“For the longest time, I sang that strong desire to be ‘where the people are, to wander free, and explore that shore above,'” say niya.
“However, the LGBTQIA-phobic Ursulas forced us to give up our voices to have those legs, jump, dance, and be one with humans. But, being voiceless meant hiding in fear,” dagdag pa niya.
“Thank God for the Pride movement and its brave movers! Globally, it has given back our voices to assert, ‘LGBTQIA+ people are an integral part of this world, worthy of respect, and must be treated equal.’ It amplified our call for inclusion and Blstand against LGBTQIA-phobia,” she said, quoting what King Triton once reminded Ariel, “You shouldn’t have had to give up your voice to be heard” — LET PRIDE IGNITE HOPE! WE WILL BE HEARD!”
“IN AND OUT OF THE SEA, WE WILL BE SEEN! AS A COMMUNITY, WE WILL WIN THIS BATTLE.”
“CHEERS TO AN EQUAL WORLD!” dagdag pa niya.
Samantala, pinag-uusapan at inaabangan hindi lang ng mga Filipino kundi ng iba’t ibang viewers sa Amerika, India, Canada, at United Arab Emirates ang pinakabagong queer dating series ng bansa na “Sparks Camp” mula ng mag-premiere ito noong Mayo 24.
Umani na ng higit sa 200,000 views ang unang episode nito samantala nakakuha na rin ng lampas 100,000 views ang pangalawang episode. Samantala, trending din ang #SparksCamp nationwide sa Twitter nitong Wednesday (May 31).
Nakakuha rin naman ang nasabing queer reality series ng viewers mula sa Spain at Portugal na humihingi na rin ng subtitles sa kani-kanilang mga lenggwahe.
Sa pagsalubong ng viewers sa Pride Month, unti-unti na rin nakilala ng manonood ang sampung campers at kani-kanilang mga kwento. Sa kanilang unang challenge, napagwagian ito ng pair nina Karl at Dan.
Pinili nila sina Justin at Nat bilang kani-kanilang first dates. Samantala, napanood din ng viewers ang kanilang pagbibigay ng sparks card sa kanilang chosen camper.
Alamin sa episode 3 kung sinu-sino kaya ang mga nakakuha ng sparks cards. Ano na rin kaya ang magiging epekto nito sa mga susunod na challenges sa loob ng camp?
Ang “Sparks Camp” ay isa lamang sa offerings na handog ng “Made For YouTube” ng ABS-CBN. Huwag palampasin ang bagong episodes ng “Sparks Camp” tuwing Wednesday, 8 p.m. sa YouTube channel ng Black Sheep.