JC de Vera ‘excited’ na ipinakilala ang 2nd baby sa socmed: ‘Welcome to this world, Laura!’

JC de Vera ‘excited’ na ipinakilala ang 2nd baby sa socmed: 'Welcome to this world, Laura!'

PHOTO: Facebook/JC de Vera

PROUD na ipinakilala ng aktor na si JC de Vera ang second baby nila ng non-showbiz wife na si Rikkah Cruz.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng aktor ang isang black-and-white photo na makikitang karga ang bagong silang na anak na si Baby Laura.

Kasabay niyan ay excited siyang nagpahayag ng mensahe para sa anak.

“Dear Laura, Welcome to this world!,” mensahe ni JC.

Sey pa niya, “You have been born into a world filled with endless possibilities, and I am so excited to see all that you will achieve in your lifetime.”

Baka Bet Mo: JC de Vera sa pagiging Kapamilya: Naging actor ako, ‘yun ang pinakamasarap sa pakiramdam

“We are overjoyed to have you in our lives, our love for you will only continue to grow stronger with every passing day,” dagdag niya.

Hindi na raw makapaghintay si JC na masilayan at masaksihan ang future accomplishments ng second baby.

“I can’t wait to see the great things you will accomplish in your life, Laura. We love you [red heart emoji],” lahad ng aktor.

Nagpaabot naman ng “congratulatory” messages ang kapwa-artista na sina John Prats, Vhong Navarro, Dominic Roque, Aaron Villaflor, Eula Valdez, Regine Angeles at Drew Arellano.

“Congratulations Kuys [ red heart emoji],” sey ni Vhong.

Komento naman ni Aaron, “Grats kapatid.”

Matatandaan noong Enero lamang nang magkaroon ng gender reveal party si JC at ang misis niya.

Dalawang beses ikinasal ang mag-asawa.

Ang una ay ang civil wedding noong 2018 at noong 2021 naman ay ang kanilang church wedding.

Ang panganay nilang anak ay si Lana Athena na ipinanganak noong 2018.

Related Chika:

Katarina Rodriguez, Laura Lehmann, Valerie Weigmann napiling mga hosts ng Miss World Philippines 2022

Veteran actress at ina ni Tessie Tomas na si Laura Hermosa pumanaw na

Read more...