ni Julie Bonifacio, photos by Ervin Santiago
TUMULIS na ang tiyan ng young superstar na si Judy Ann Santos nu’ng muli namin siyang makita sa presscon ng first team-up nila on screen ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo na “Hating Kapatid”. Isang senyales daw na lalaki ang batang isisilang ni Juday. Lutang na lutang na rin ang cleavage ng young superstar, na patunay lang na nade-develop na ang gatas niya for the baby.
Pagud-paguran na sa katatayo si Juday nang datnan namin sa Citybest restaurant kung saan ginanap ang general presscon ng “Hating Kapatid.” Dito ay nakorner namin si Juday at naka-one-on-one para sa BANDERA.
BANDERA: May name na na kayo for the baby?
JUDY ANN SANTOS: Hindi namin iniisip. Alam mo naman kami ni Ryan (Agoncillo), hindi naman kami ‘yung tipo ng nagpaplano talaga. Basta bahala na si Batman.
B: Magsisimula rin ba sa letter J ang name ng first biological baby n’yo tulad sa first child n’yong si Yohan na ang real name ay Johanssen?
JAS: Oo, kasi dapat, ang gusto talaga namin malapit sa name ni Yohan.
B: Since legal na Santos si Yohan ngayon, kailan n’yo balak naman ayusin ang papeles para maging Agoncillo na rin ang bagets?
JAS: Ito lang. Actually, tinatapos ko lang ‘yung mga trabaho ko ngayon tapos aasikuhin ko na ‘yung papers niya para maging Agoncillo na rin siya. Para paglabas na paglabas ng baby pareho na silang Agoncillo.
B: Handa na ba si Yohan sa pagdating ng kanyang baby brother?
JAS: Oo, gustong-gusto na nga niyang lumabas ‘yung bagets, e. Kinukwentuhan ko siya. Gusto na niyang lumabas ang bata kasi gusto na niya ng kalaro. Sabi ko, ine-explain namin sa kanya na kapag lumabas ang baby ngayon, magiging delikado. So, inaano namin siya, kinakalma namin siya. We have to wait till October.
B: Nagpapakarga ba si Yohan sa ‘yo?
JAS: Hindi siya nagpapakarga. Alam niya. Kay Ryan lang siya nagpapakarga. Sobrang close nila ni Ryan ngayon.
B: E, ngayon nagpapabigat pa rin ba sa tiyan mo ang BIR?
JAS: Naku, hindi ko na lang iniisip. Nandiyan pa rin. Pero nagdadasal na lang ako na, alam naman ng Diyos na wala naman akong ginagawang masama talaga. Hindi naman ako guilty sa mga bagay-bagay na ‘yan. So, matatapos din. Ipinagdadasal ko na lang na sana matapos.
B: Naiilang ka raw kasi pumayat ka na nga tapos tumaba ulit. Naiisip mo ba ngayon pa lang na mahihirapan ka na namang magpapayat?
JAS: Alam mo nu’ng nagsimula ako, nu’ng first few months na nagbuntis ako, syempre magge-gain ka ng weight. Nakikita mo kung ilang pounds na ‘yung gini-gain mo. Nand’yan ‘yung, ‘Shucks!! Nag-gain na naman ako!’ Pero ngayon, parang, ‘Okey lang. E, may bata sa loob ko. Ano’ng gagawin ko,’ ‘di ba? Parang I’ll just worry after ‘pag nakapanganak na ako kasi kapag inisip ko pa ‘yan ngayon, parang nakakatawa naman akong buntis na nagtataka ka kung bakit ka lumalaki, e, may bata nga sa loob.
B: Pagkatapos ng promo ng “Hating Kapatid,” wala ka nang gagawin na movie at teleserye. Knowing you na bata ka pa lang nagtatrabaho na, hindi ka kaya manibago?
JAS: Yes, pero baka may gawin ako. Kaya lang hindi ko pa alam. Alam ninyo naman ako sumusulpot na lang ako sa mga…siguro gagawa ako ng cooking video or something.
B: Totoo ba na plano mong mag-aral uli?
JAS: Hindi, tinanong nila ako kung ano pa ang gusto kong gawin. Gusto kong makatapos ng pag-aaral para one day ‘pag ka ang mga bata tinamad na magtapos ng pag-aaral, magiging role model ako na nagtapos ako ng pag-aaral. So, ngayon, sana HRM or Business Management, or Culinary. Matapos ko man lang ‘yung pagku-Culinary ko. Course naman ‘yung kinuha ko. Nag-stop lang ako ngayon kasi nga, uhm, may bata na.
B: Kumusta naman si Mommy Carol? Excited na ba siya sa paglabas ng bago niyang apo?
JAS: Nasa Amerika, nasa San Francisco. Oo naman, excited na siya. Siguro dahil buntis din ako at ako ‘yung huling nagkaanak sa aming tatlo. Excited siya na makita ang hitsura ng supling namin.
B: Naninibago ka ba sa bago mong look? Meron pa bang pagnanasa sa ‘yo si Ryan?
JAS: Hahahaha! Ano ba ‘yang pagnanasa na ‘yan? D’yan ako napapahamak sa pagnanasa na ‘yan, e! Hahahaha!
B: May pagnanasa pa nga ba kahit kamukha ka na ni Mommy Carol?
JAS: Huwag naman. Hahahaha! Hindi, ano naman, kung kinakalabit ako ni Ryan? Wala, ano lang, malambing lang talaga kami sa isa’t isa. Eeeeoww?! Hahahaha! Alam ninyo naman na malambing lang kami sa isa’t isa.
B: aka-prepare na ba ang mga gamit ng baby n’yong si Buchochoy? Alam mo na ba kung saang ospital ka manganganak?
JAS: Wala pa, kasi nga gusto ko munang tapusin lahat ng trabaho. Ngayon ko pa lang gagawin pagkatapos ng ‘Hating Kapatid’ para may gawin naman ako. Kasi kapag ginawa ko na ‘yan lahat ngayon, ibig sabihin, wala na akong gagawin habang naghihintay ako’ng manganak. Nakatunganga na lang ako.
B: Dumating na ba ‘yung mga pinamili n’yong gamit sa US?
JAS: Dumating na. This week dumating. D’yan magsisimula nang ipaayos ang bahay. ‘Yung friend ko na designer na si Jerry Santos ang mag-aayos ng kwarto nu’ng baby. Siya ‘yung pinag-design namin.
B: May concept na ba?
JAS: Sabi ko sa kanya maglaro na lang siya, kasi ang binili ko ngang crib sheet neutral. Kasi nga nu’ng nasa Amerika kami hindi pa namin alam ‘yung gender nu’ng bata. So, nag-play lang ako ng animals. Kaya ‘yun na ang itutuloy niya. Doon na siya magsisimula.
B: Kumpleto na ang gamit ni Buchochoy?
JAS: May mga panakanaka. Kaya sinulat ko na kung ano ang mga kakailanganin kapag may baby shower.
B: Naka-ilang baby shower ka na ba?
JAS: Una ‘yung kay Gladys (Reyes), ‘yung ‘Moments.’ Tapos pangalawa naman ‘yung kay Ate Sharon (Cuneta). Kung saka-sakali kung nag-pangatlo, hindi ko alam kung may pang-apat pa. Oo, doon ko ire-request ‘yung mga wala pa na gamit ng bata.
B: Ano pa ba na gamit ang wala si Buchochoy?
JAS: Ah, high chair. Ay, hindi pa ako nagpapa-register kung saan mang tindahan ng gamit ng baby. Kasi gusto ko nga sa isang araw dito lang ako sa mall na ito. Tsitsika lang ako ng tsitsika. O, bukas sa ibang mall naman. O tapos, pahinga naman, ‘di ba? Para may gawin naman ako. Hahahaha! Tsika-tsika ka lang.
B: Pagkakaguluhan ka sa mall?
JAS: Hindi, sanay na sila sa akin. Ano pa ba ang kulang? High chair, play crib, ganyan. Hindi ako masyadong nagbili ng mga bottles.
B: May endorsement na ba para kay Buchochoy?
JAS: May mga offer, may mga inquiry.
B: Sino ang manager ni Buchochoy paglabas?
JAS: Ako! Hahahaha!
B: Hindi ba kayong dalawa ni Ryan?
JAS: Hindi. Ay, hindi talaga. Hahahaha! Hindi, ano, wala. Hindi talaga namin iniisip kasi ayaw muna naming pagkakitaan. I really have nothing against celebrity parents who you know, showcase their children. Pero siguro dahil gusto ko siyang ma-enjoy na ako lang muna. ‘Yung kaming dalawa lang muna ni Rye. Hindi naman sa nagpapaka-selfish. Pero ‘yung nanamnamin ko muna, aamuy-amuyin ko muna ‘yung bata bago makita muna ng tao.
B: Si Ryan ba inaamoy-amoy mo rin?
JAS: Kapag minsan.
B: Sabi mo noon ayaw mo ng amoy ni Ryan?
JAS: Hindi, siya ang may ayaw sa amoy ko. Siya ‘yung naglilihi nga, e. Hindi ko naman siya hinakbangan. Ayaw niya ‘yung mga pabango ko. Iba-iba ang pabango ko. Basta ‘yun ‘yung time nu’ng first trimester ko. Hindi niya type. Hindi naman niya sinasabi. Tinitiis lang niya ang amoy ko.
B: Paano ka iire?
JAS: Ayaw ko! Hahahaha! Kung nagpapraktis na ako? Hindi. Lamaze? Hindi. Naghahanap kami ng birthing classes saka Lamase. Normal delivery gusto ko. Gusto ko lang malaman kung ano ang mangyayari, ‘yung pwedeng gawin kapag inaatake ako ng nerbyos.
B: Ipapa-video ba ni Ryan ang panganganak mo?
JAS: I’m sure kukunan niya ‘yun. Ah, pipiktyuran.
B: May stylist siyang katabi habang nanganganak? Naka-make up ba siya?
JAS: Hahahaha! Suot ko itong singsing.
Bandera, Philippine Entertainment news, 071910