LAGI po akong nakakaramdam ng pagkahilo at lagi rin na masakit ang ulo ko. Magtu-two years ko na po itong nararamdaman. Ano po kaya ito? Salamat po. —Lyn ng Marikina, …6585
Posibleng stressed ka at tension headache ang nararamdaman mo. Mag-take ka muna ng pain reliever with muscle relaxant. Pero importante na matuto kang mag-manage ng stress.
Pwede kang tumawag sa Radyo Mediko tuwing alas-8 hanggang 9:30 ng gabi sa numerong 05191875-76. Makinig po kayo sa Radyo Inquirer dial 990 AM tutal taga-Metro Manila lang naman po pala kayo. Salamat.
Good afternoon, Dr. Heal. Ang tanong ko lang po ay kung bakit ang isang tao ay hindi pa rin tumataba kahit marami naman siyang kumain. —Lira I. Panganiban, 16, Boracay, ….9038
Isa sa maaaring dahilan ay mabilis ang kanyang metabolism. Pwedeng natural lang ito sa kanyang katawan, nage-ehersisyo siya o maaari rin naman meron siyang hyperthyroidism. Makabubuti kung magpatingin sa doktor para masuri ang tunay na kalagayan.
DOK, magandang araw po sa inyo. Matanong ko lang, ano po ba ang pinakamainam na gamot, inumin at pagkain sa taong may sakit na respiratory tract infection? Ano po ang mga dapat iwasan? —Greg, …6747
Ang respiratory tract infection ay nag-uumpisa sa ilong pababa hanggang baga. Kadalasan ay virus ang dahilan ngunit nauuwi sa bacterial infection. Iwasan ang manigarilyo o ma-expose sa usok ng sigarilyo.
Uminom ng maraming tubig para malusaw ang plema. Uminom ng Vitamin C at kumain ng masusustansiyang pagkain. Kailangan din ng antibiotic kapag ang plema ay malapot at kulay berde o matingkad na dilaw.
Good day, doc Heal. Ano po ba ang mabisang paraan para lumiit ang aming bilbil or tyan? Kahit anong gawin naming ay hindi lumiliit. Nawawala po kasi ang self-confidence namin. Nakakalaki po ba ang malamig na tubig? Salamat po. —Chen, 28, Davao City, 1508
Ang bilbil ay nagpapakita na mataba ka. Hindi mo pa nagagawa ang lahat na dapat na gawin. Ang pinakaimportanteng rito ay ang pagsupil sa labis na pagkain.
Hindi nakakataba ang tubig, malamig man o mainit, bagkus ay maaari mong gamitin ito para makontrol ang iyong false appetite o katakawan.
Good morning po Doc. Heal. Ano po ang mainam na maipapayo mo sa akin? Ang problema ko po ay kahit anong gawin kong pagpapataba ay wala pa ring epekto. Wala naman akong bisyo at paborito kong kumain ng gulay.
Ang timbang ko po ay 51, 5’ 6″ height ko at 21 years old. Salamat po. —…4822
Pagkain lang ang magbibigay ng calories at enerhiya para tumaas ang timbang, hindi ang pampataba. I-develop mo ang muscles mo sa pamamagitan ng exercise, sabayan mo ng pagkain na masusustansya at sagana sa protina.
Salamat sa inyong mga tanong, harinawa ang aming mga sagot ay magdala ng lunas sa inyong mga karamdaman. Patuloy po kayong sumubaybay sa Dr. Heal column dito sa Bandera.