Magkaka-baby

Sulat mula kay Liling, ng Barangay Bintana, Tangub City
Dear Sir Greenfield,
Hindi pa rin ako nabubuntis sa kabila ng mahigit limang taon na kaming nagsasama ng asawa ko.  Sabik na akong magka-baby.  Sa barkada at sa aming magkakapatid, ako na lamang ang hindi pa nabubuntis.  Sabik na akong mabuntis at magsilang ng sanggol.  Inip na inip na rin ang mister ko.  Kailan daw ba ako mabubuntis?   Ayaw naman niyang mag-ampon na lang kami kahit marami ng bata ang pwede naming ampunin.  Ang gusto niya ay sarili niyang anak.  Sir Greenfield, ano po ba ang nakikita ninyo sa aming kapalaran, magkaka-baby pa ba kami at kailan po kaya ito magaganap? April 16, 1978 ang birthday ko at January 26, 1980 naman ang mister ko.
Umaasa,
Liling ng Tangub City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May namataang malinaw na Children Line (Illustration 1. Arrow 1 at 2.) sa iyong palad. Kaya nga sa kasalukuyan, hindi ka dapat kabahan na hindi ka magkaka-baby. Tiyak ang magaganap ngayong taon, mabubuntis ka upang paglipas ng siyam na buwan, isang malusog na lalaking sanggol ang iyong isisilang.
Cartomancy:
Three of Hearts, Jack of Diamonds at Three of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Tulad ng nasabi na, ngayong taon ay isang malusog na lalaking sanggol ang isisilang mo at pagdating na pagdatin niya sa inyong pamilya ay maraming magagandang kapalaran ang inyong matatanggapna bagay.  Itutuloy

Read more...