MIKAEL nakakaawa, basta na lang ibinasura ni MEGAN


Marami ang naaawa kay Mikael Daez. Para kasing hindi siya binibigyan ng pagpapahalaga ni Megan Young, ang newly-crowned Miss World.

Noong una, nag-deny si Megan na may boyfriend na siya when everyone knows in showbiz na sila na nga ni Mikael.
Ang daming sumusuporta kay Mikael.

Alam kasi nilang mahirap ang kinalalagyan nito ngayon. Balitang-balita kasi na nakipag-break na si Megan sa  kanya.
Anyway, talagang walang time si Megan para ibigay kay Mikael. Ang dami niyang activities.

Pero sana raw ay naisip ni Megan ang suportang ibinigay sa kanya ni Mikael noong lumaban siya ng Miss World. Nagpunta pa talaga sa Indonesia  ang binata just to give his support.

Kung hindi ‘yon ginawa ni Mikael out of pagmamahal ay hindi namin alam kung ano ‘yon. Ang nakakaloka, napapansin ng marami na tila naging alalay lamang ng dalaga sina Ms. Cory Quirino at Ms. Julia Morley tuwing merong activities na pupuntahan ang bagong Miss World.

Lagi kasing nakaalalay ang dalawa sa kanya, parang anino niya ang mga ito sa mga activities niya.Pupunta pa yatang London si Megan kaya naman mas lalo siyang magiging busy. Ikaw na ang maging Ms. World, ‘di ba?

( Photo credit to Google )

Read more...