Princess Pacquiao ‘feeling prinsesa’ sa suot na prom gown, bracelet nagkakahalagang P1.8M?

Princess Pacquiao 'feeling prinsesa' sa suot na prom gown, bracelet nagkakahalagang P1.8M?

SUPER pretty at talagang mapapa-wow ka sa naging prom look ng anak nina dating Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Mary Divine Grace o mas kilala bilang si Princess.

Ang mga naggagandahang larawan ng babaeng anak ng Pambansang Kamao ay ibinahagi ng designer na si Michael Leyva.

Si Michael Leyva ang nag-design ng lavander ball gown ni Princess na may nag-uumapaw na Swarovski crystals.

“Tito Michael feels so old already. It feels just like yesterday when I was making flower girl dresses for you but look at you now,” caption ng designer.

Isa sa mga nag-comment sa naturang post ay ang ina ni Princess na si Jinkee Pacquiao.

Baka Bet Mo: Michael Pacquiao na-bully dahil sa kanyang itsura: ‘They would make fun of my face, my name, tsaka backstab me’

Sey ng mommy ni Princess, “Thank you dear. I love the dress.”

At para nga pak na pak ang awra ng dalaga at nakumpleto ang prom look nito, nagsuot ang anak nina Manny at Jinkee ng diamond necklace, ring at bracelets.

Marami naman sa mga netizens ang napa-wow sa overall look ni Princess lalong lalo na sa kanyang gown.

“Bagay kay Princess ang gown mo @michaelleyva_ . Ganda ng color. 💜 Npakagandang dilag nina @mannypacquiao & @jinkeepacquiao,” comment ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Wow! The color looks so stunning on her! She looks so beautiful! Very nice dress!”

Kinukumpirma pa nga ng ibang netizens kung ang bracelet na suot ni Princess ay ang Bulgari Serpenti Viper Bracelet, na nagkakahalaga ng mahigit P1.8 million.

Related Chika:
Jinkee Pacquiao itinanggi ang isyung pagbubuntis, hindi rin hiwalay kay Manny: ‘We are very much in love!’

Manny Pacquiao first time ipinasilip ang P2.3-B Forbes Park mansion, nagpa-house tour sa cast ng ‘Running Man’

Read more...