KABUGERA talaga ang ambisyosang si Anne Curtis pagdating sa pagkanta. Pagkatapos magkaroon ng sariling album at first concert niya sa Araneta Coliseum, ngayon naman ay endorser naman siya ng Grand Videoke mula sa TJ Media.
Ang dati nilang endorsers ay sina Asia’s Songbird Regine Velasquez at international singer na si Charice. “I think, ay, ah, speechless! But I guess I just have to be thankful that they chose me.
Maybe it’s something that will reach out to those who are like me that they are not necessarily a Regine Velasquez. “They’re not like Charice but they love to sing they heart out. Regardless if they can sing or not, if they can carry a tune or not.
So, maybe I represent this people na talagang mahilig kumanta sa banyo. Kasi maganda talaga ang echo sa banyo. So, I represent this people,” pahayag ni Anne sa launch ng Grand Videoke.
In fairness, nu’ng nag-sample si Anne mag-videoke sa launch ay gumanda talaga ang boses niya, huh! “Actually, meron talagang feature na ganoon na ume-echo. But I think nag-improve na talaga ako.
Ha-hahaha! Promise! Nag-improve talaga ako kahit konti from before, ha. I mean, I’m not saying that I’m really, really a good singer, ha! Pero I can carry a tune. Ha-hahaha!”
Isa raw sa kaagawan niya sa mic kapag nagbi-videoke sila ay ang boyfriend niyang si Erwan Heusaff, “Oo, mahilig din ‘yun mag-videoke. Game rin ‘yun, kaagaw ko rin ‘yun sa mic.
Meron kaming song na gusto but the one we like to sing together ‘yung song ni Jason Mraz, ‘yung ‘I’m Yours’. Magaling din kumanta ‘yun, e,” pagbibida ni Anne sa BF.
Sa sobrang kasiyahan ni Anne that night, hindi na rin niya napigilang i-announce na magkakaroon siya ulit ng big concert sa January, 2014. Pero hindi pa raw niya pwedeng sabihin ang venue.
Plus, ginagawa na rin niya ngayon ang kanyang second album. “Yes, there will also be a second album. So, everything I just feel that this is a great kick off to launching that silent me again being part of this family having this presscon.
I wasn’t supposed to announce it yet but now that I’m here and it’s a perfect product as it represent the singing side of me. Yes, there will be another album and another concert. It will be a grand concert,” lahad ni Anne.
Dahil sa bago niyang product endorsement, sabi namin sa kanya may bago na naman siyang title. Siya na ang Gran-Dyosa bilang reyna ng videoke or Dyosa ng Videoke.
“I will hold that title with pride. It’s something that I can truly be proud of. I’m so kilig when they chose me. Feeling ko maniniwala lahat ng tao kasi ginagamit ko talaga.
So, it’s something that compliments who I am. ‘Yun talaga, e, ma-videoke talaga ako,” pagmamalaki pa ni Anne. Haping-happy na si Anne sa title na ‘yan.
At very humble niyang tinanggihan ang titulong Concert Queen or Concert Princess, “Hindi, hindi talaga ako ‘yun, e. Pwede sweetheart na lang kasi puro pa-sweet lang ako. But I believe the title of a Concert Queen or a Concert Princess that belongs to a real concert performers.”
Expected na rin ni Anne ang mga batikos sa iba’t ibang social networking sites being the newest endorser ng videoke, “Well, we’ ll wait and see na lang.
That’s all part naman, e. Kasama na ‘yun doon. But at the end it’s all about having fun and being able to entertain people,” sey pa ni Anne.
( Photo credit to Google )