Julian Martir kumpirmadong pumasa sa mga universities abroad, hiling sa netizens: I hope ma-stop na po yung false remarks about sa akin

Julian Martir kumpirmadong pumasa sa mga universities abroad, hiling sa netizens: I hope ma-stop na po yung false remarks about sa akin
NAKIUSAP ang estudyanteng si Julian Martir na sana’y matigil na ang pambabatikos sa kanya dahil totoo ang kanyang sinasabi ukol sa kanyang pagkakatanggap sa 30 universities abroad.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang estudyante mula sa Bacolod City matapos kwestiyunin ng mga netizens kung totoo nga ba ang kanyang claims na nabigyan siya ng admission sa mga universities sa ibang bansa at nabigyan rin siya ng scholarships.

Ani Julian, hiling niya na sana ay matigil na ang pagsasabing “fake” siya at isang malaking “scam”.

Sa kanyang exclusive interview sa News 5 nitong Lunes, May 22, naglabas siya ng pahayag hinggil sa isyu.

“I hope ma-stop na po yung false remarks about sa akin na hindi po totoo,” saad ni Julian.

“Ang masasabi ko talaga, totoo po talaga yung 30 universities na in-applayan ko po. Kahit na i-email mo pa sila paulit-ulit, they will give you the same response, na ni-review talaga ang application ko po with scholarship,” pagpapatuloy pa niya.

Habang ini-interview si Julian ay makikita sa screen ang mga kopya ng congratulatory e-mails na ipinadala sa kanya ng mga unibersidad kagaya ng The University of Arizona, Drexel University, DePaul University, Clarkson University, Webster University, NJIT University, may iba pa.

Mapapansin rin sa mga kopya ng e-mail na may kalakip na scholarship grants para sa binata.

Baka Bet Mo: Ella, Julian magdyowa na; Fake na kasal gusto nang totohanin

May mga e-mails rin na makikitang natanggap ng bunata ang mga offers late last year pa.

Lately kasi ay nag-viral si Julian nang mag-post ito sa Facebook na pumasa siya sa 30 universities sa U.S. at U.K. at may $1.9 million (PHP104 million) total worth ng scholarships.

Dahil dito ay may mga nag-interview sa estudyante na TV programs at news outlets ngunit marami sa mga netizens ang bumatikos sa kanya at sinabihan siyang “fraud” at “peke”.

Maging ang mga journalists at media outlets ay kinuwestiyon nv mga ito dahil sa diumano’y pagbabalita ng “fake news” ukol kay Julian.

Ngunit sa recent interview ng News5 sa binata, inamin niyang naiintindihan niya kung bakit marami ang kumukwestyon sa pagpasa niya sa mga universities abroad dahil wala siyang iniabot na admission letters sa kanyang alma mater para patunayang totoo ang kanyang pagpasa.

Depensa ni Julian, karamihan ng mga natanggap niya ay ipinadala via email at iilan lang ang nagpadala ng snail mail.

“[Y]ung university of Arizona, sinendan ako ng physical copies talaga, legit talaga, na binigyan talaga ako ng copies.

“But some universities did not send me pa here sa Philippines,” sey ni Julian.

Aniya, talagang naging totoo siya sa kanyang mga ipinadalang essays abroad uko sa sarili niya at sa kanyang pamilya.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Julian na apektado ang kanyang pamilya sa mga natatanggap niyang pambabash.

“I hope yung mga estudyante po stop saying things, mga vicious comments about me. Kasi you guys don’t know about me talaga, kung ano yung pinagdaanan ko po, and yung pinagdaanan ng ibang estudyante na na-bully din po,” pakiusap niya.

Iginiit muli ni Julian na hindi siya nagsisinungaling sa kanyang pahayag na may admission at scholarship offers siya sa 30 universities abroad.

Hindi na rin daw niya kukumbinsihin ang mga taong ayaw maniwala sa kanyang mga pahayag at mas pagtutuunan niyang maging “better version of myself as a student and as human being”.

Ayon naman sa report ng News5 na may natanggap nang verification ang Negros Occidental High School na verification mula sa isang unibersidad na may admission doon si Julian.

Related Chika:
24 kolehiyo, unibersidad pinayagan nang magsagawa ng limited face-to-face classes

Mag-aaral ng UP, UST wagi sa Gawad Julian Cruz Balmaseda; mag-uuwi ng tig-P100K

Read more...