Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz magkakaroon na nga ba ng comeback movie together?

Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz magkakaroon na nga ba ng comeback movie together?

LABIS ang excitement na nadarama ng mga fans at supporters ng tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Ito ay matapos magbahagi ng Popstar royalty ng larawan kung saan makikita silang magkasama sa opisina ng Viva Films nitong Huwebes, May 25.

Mukhang nangangamoy bagong proyekto ang dahilan ng muling pagkikita nina John Lloyd at John Lloyd dahil na rin sa naging caption ng huli na canera emojis.

Bukod pa rito, mas lalong nag-ingay ang madlang netizens dahil ibinahagi rin ng Viva Entertainment sa kanilang social media pages ang larawan ng dalawa.

“Magbabalik na ba ang blockbuster tambalan nila Sarah G at John Lloyd?? Abangan!!” sey nito sa caption na may pa-hashtag pang “#soon” at “#AshLoyd”.

Super excited na nga ang mga fans at talagang happy at waiting sila para sa new project ng dalawa na ang sigaw ay 4th installment ng kanilang pelikulang “A Very Special Love”.

Baka Bet Mo: Matteo ready nang maging daddy sa magiging baby nila ni Sarah: ‘By the end of the year, pag-pray natin na makabuo na’

 

Matatandaang unang nagtambal sina John Lloyd at Sarah noong 2008 sa pelikulang “A Very Special Love” na kumita ng P185,235,324.

Ang sumunod naman ay “You Changed My Life In A Moment” noong 2009 na kumita ng P232,209,42 sa box office.

Next na pinagsamahan nina Sarah at John Lloyd ay ang “It Takes a Man and a Woman” noong 2013 na kumita ng P387 million.

Ang huling pelikulang pinagsamahan ng dalawa ay ang “Finally Found Someone” na ipinalabas sa sinehan noong July 26, 2017 at umabot sa P316.5 million ang kinita nito.

Related Chika:
Sarah Geronimo binati si Mommy Divine ngayong Mother’s Day: ‘Ikaw ang superhero ng buhay ko…’

Julie Anne San Jose hinamong makipag-showdown kay Sarah Geronimo: Hindi po ako lalaban

Read more...